IQNA

13:42 - February 18, 2020
News ID: 3001415
TEHRAN (IQNA) - Isang seremonya ang ginanap sa Sentrong Pangkulturang Islamiko sa Jakarta upang gunitain ang kabayanihan ng Iranianong kumandante na si Lt. Heneral Soleimani at Iraqing kumandante na si Abu Mahdi al-Muhandis na pinatay ng US noong nakaraang buwan.

Ang kinatawan ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon doon sa Indonesia na si Hojat-al-Islam Majid Hakim Elahi at mga panauhin mula sa Iran, Iraq, Pakistan, India at Afghanistan ay dumalo sa programa noong Linggo.

Tinatalakay sa kaganapan, ni Hojat-al-Islam Hakim Elahi ang pagbibigay diin sa mga katangian ng Bayaning Soleimani at sinabi na siya ay isang maimpluwensyang pagkatao sa mga kaunlaran na pang-rehiyon.

Sinabi niya na si Heneral Soleimani ay ang pangunahing kaaway ng grupong terorista ng Daesh (ISIL o ISIS) at nangingibabbaw na mga kapangyarihan.

Si Zuhairi Misrawi, isang opisyal sa Nahdlatul Ulama ng Indonesia, ay nagbigay din ng talumpati sa programa, na pinuri si Heneral Soleimani bilang isang huwaran para sa lahat ng mga taong naghahanap ng kalayaan sa mundo ng Muslim.

Si Heneral Soleimani, Abu Mahdi al-Muhandis, sino pangalawang kumandante ng Popular Mobilization Units (PMU) ng Iraq, at iilang bilang ng kanilang pangkat ang napatay sa isang pagsalakay ng mga drone ng Amerikano malapit sa Pandaigdigang Paliparan ng Baghdad sa unang mga oras ng Enero 3.

Inangkin ng White House at Pentagon ang katungkulan sa pagpatay kay Heneral Soleimani sa Iraq, sa pagsasabi na ang pagsalakay ay isinasagawa sa kautusan ng Pangulo ng US na si Donald Trump.

 

 

https://iqna.ir/en/news/3470663

Name:
Email:
* Comment: