IQNA

6:28 - May 20, 2020
News ID: 3001706
TEHRAN (IQNA) - Ang Sentrong Pangkultura na Iraniano sa Beirut, Lebanon, ay nagplano na magsagawa ng webinar na nagtatampok ng mga tula sa banal na lungsod ng Quds (Jerusalem).

Gaganapin iyon sa Miyerkules sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Quds sa pakikipagtulungan sa Samahan ng Pag-iisip ng Lebanese.

"Pinakamagandang Tula sa Quds, ang Lungsod ng mga Lungsod at Unang Qibla" ay ang pamagat ng kaganapan.

Si Imad Muhammad Abu Numa mula sa Gaza Strip, si Mostafa Qafeli mula sa Iran, si Mina al-Bazawi mula sa Tunisia, si Sadiq Slimiya mula Algeria, si Muhamamd Salih Sarkhu mula sa Kuwait, si Muhammad Ali al-Zuhairi mula sa Iraq, at si Ihad at Tarad Himada mula sa Lebanon ay mga makata sino ay makikilahok sa webinar.

Ang mga interesado ay maaaring makapanood ng kaganapan sa onlayn sa pamamagitan ng Zoom (here) sa 3 PM Beirut na Oras sa Miyerkules.

Ang Pandaigdigang Araw ng Quds ay isang pamana ng yumaong tagapagtatag ng Islamikong Republika, na si Imam Khomeini, sino ang nagtalaga ng araw sa pagkakaisa sa mga Palestino.

Mula noong 1979 ang Islamikong Rebolusyon sa Iran, ang Pandaigdigang Araw ng Quds ay ginanap sa buong mundo sa huling Biyernes ng buwan ng pag-aayuno ng Muslim ng Ramadan.

Ngayong taon, ang Pandaigadigang Araw ng Quds ay maganap sa Biyernes, Mayo 22.

 

 

3471474

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: