IQNA

12:35 - June 26, 2020
News ID: 3001814
TEHRAN (IQNA) - Ang mga tagapamahala ng mga sentro ng Qur’an at panrelihiyon ay nanawagan para sa kapahintulotan na ibigay para sa pagbubukas muli ng mga sentro.

Si Hisham Kharisat, pinuno ng Paaralang Qur’aniko ng Khilda, ay nagsabi na mayroong ilang 2,400 na mga sentrong Qur’aniko sa bansa, iniulat ng website ng ammon.news.

Idinagdag niya na maraming mga guro at iba pang kawani na nagtatrabaho doon sa mga sentro na nag-aalok ng mga kurso sa Qur’an sa ilang 65,000 na kalalakihan at kababaihan.

Habang ang mga palakasan na mga paaralan at mga klase ng musika, bukod sa iba pa, ay binuksan, ang mga sentro ng Qur’aniko at panrelihiyon ay nananatiling sarado, ikinalulungkot niya.

Ang pagpapasya kung buksan muli o hindi ang Qur’anikong mga sentro sa Jordan ay gagawin sa Miyerkules.

Inihayag ng Jordan noong Marso 20 ang pambansang pagbabawal sa pagsara ng mga tindahan at ipinagbabawal ang paggalaw ng mga tao dahil sa pagsabog ng coronavirus.

Iniulat ng bansa ang 1,047 COVID-19 na mga kaso at 9 na pagkamatay mula sa sakit.

 

 

3471779

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: