IQNA

6:39 - July 08, 2020
News ID: 3001858
TEHRAN (IQNA) - Isang aklat na may pamagat na "Kakayahan sa Pananaw ng Banal na Qur’an" ni Dr. Talal Faiq Al-Kamali ay nailathala sa banal na lungsod ng Karbala, Iraq.

Alinsunod sa iraqakhbar.com, ang 140-pahinang aklat ay nailathala sa pamamagitan ng Instituto ng Paglathala ng Dar-ul-Warith.

Nagtatampok ang aklat ng mga talakayan sa pananaw ng Banal na Qur’an tungkol sa konsepto ng kakayahan sa pangkultura ng mga lipunan.

Sinasabi nito na ang kakayahan ay isa sa mga konsepto na maaaring magamit bilang isang mahalagang paraan upang maunawaan ang pilosopiya ng buhay.

Ang aklat ay sumasaklaw sa tatlong mga kabanata kabilang ang 'kakayahan at mga layunin nito sa mga talata ng Banal na Qur’an', 'mga pampakay na mga pamamaraan at pangwakas na mga layunin ng kakayahang Qur’aniko' at 'mga kadahilanan at mga paraan ng kakayahan sa mga konsepto ng Qur’an'.

Si Talal Al-Kamali Al-Nasrawi, may-akda at mananaliksik ng Iraq, ay ipinanganak noong 1959 sa Karbala. Mayroon siyang PhD sa mga agham na Islamiko at pinuno ng Sentro ng Akademiya ng Al-Warith at Dekano ng Tanggapan ng mga Agham sa Unibersidad ng Al-Warith na kaakibat ng Astan (katiwala) ng Imam Hussein's (SKNK) sa banal na dambana sa Karbala.

 

 

3471921

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: