IQNA

7:11 - January 20, 2021
News ID: 3002446
TEHRAN (IQNA) - Isang moske sa Blackburn, UK, pinahinto ang lahat ng mga pagdasal bilang tugon sa 'lumalaking bilang ng nahaluan ng COVID-19'.

Ang Masjid-Al-Momineen nakabase sa Ash Street ay nagsabi na magsisimula ang pagpahinto bukas (Miyerkules 20 Enero).

Sa kasalukuyan, nagpasa ng panukala ang Pamahalaan na payagan ang mga lugar ng pagsamba na manatiling bukas sa Inglatera sa kondisyon na ang mga tao ay hindi makihalo sa sinuman sa labas ng kanilang sambahayan o sumusuporta na mayroon distansiya ang bawat isa kapag dumalo.

Sa isang pahayag na nai-post ngayong araw na sinabi nito: "Dapat na malalaman ninyo, na ang impeksyon ng COVID-19 at ang kabilis ng paglilipat sa ibang tao ay tumataas nang mabilis sa buong lokalidad natin at nagkakaroon ng hindi katimbang na epekto sa ating pamayanan.

"Bilang Komite sa Pamamahala, tungkulin nating pangalagaan na protektahan ang kalusugan, kaligtasan at kabutihan ng ating mga musalle (mga sumasamba).

"Samakatuwid, pagkatapos ng maingat na pagsasaalang-alang at kapakanan na protektahan ang publiko mula sa pandemya na mikrobyong korona, napilitan tayong pansamantalang suspindihin ang lahat ng mga pagdasal hanggang sa karagdagang abiso. Ito ay magsimulang may bisa mula Miyerkules 20 Enero."

Ang Blackburn ay may higit sa limampung (50) mga moske at ang Masjid-Al-Momineen ay pinaniniwalaan na isa sa pangunahing sa mga moske ang pahintuin ang mga pagdasal.

Mas maaga sa buwan na ito 11 na mga moske sa Pendle ang nagpahinto sa lahat ng mga pagdasal na pagtitipon. Ang mga Direktor ng Kalusugan sa Publiko ng Lancashire ay sumulat sa mga lugar ng pagsamba na hinihimok sila na magsara sa panahon ng pagsara upang protektahan ang mga komunidad sa itong kritikal na yugto ng pandemya.

Ang kanilang kahilingan ay naindorso sa pamamagitan ng Lancashire Faith and Community Cohesion Group.

Ang mga moske ay mayroong mahigpit na mga alituntunin sa lugar na hindi pinahintulutan ang mga sumasamba na gamitin ang mga lugar ng paghuhugas, sinabi na magsuot ng mga maskara at hiniling na magdala ng kanilang sariling mga banig sa pagdarasal.

 

 

3473743

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: