IQNA

8:57 - March 18, 2021
News ID: 3002619
TEHRAN (IQNA) - Pinuno ng Iranian Academics Qur’anic Organization (IAQO) nagsabi na nagbalak nitong palawakin ang pakikipagtulungan sa Islamic Culture and Relation Organization (ICRO) sa iba't ibang mga larangan ng Qur’aniko, pangrelihiyon at pangkultura.

Sa pagsasalita sa IQNA, si Mohammad Hossein Hassan nagsabi na ang dalawang mga samahan ay may pagtutulungan sa paghahawak ng mga programa katulad ng Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan para sa mga mag-aaral na Muslim.

Kamakailan, ang IAQO na nakikipagtulungan sa ICRO at mga sentrong pangkulturang Iraniano sa ibang bansa ay nag-organisa ng iilang bilang ng onlayn na mga pagtatanghal ng Qur’aniko at pangrelihiyon, sinabi niya.

Kanilang Isinama ang pagpapalabas na pinamagatang "Pintuan Patungo sa Iran" na ginanap sa Indonesia at iba pang pinamagatang "Qur’anikong Sining" sa Italya sa masaya na okasyon ng anibersaryo ng kapanganakan ng Imam Ali (AS), idinagdag ni Hassani.

Sinabi niya na ang Iranian Academics Qur’anic Organization ay nakikilahok din sa pagtatanghal na "Islam at Sangkatauhan" na isinasagawa sa Kazakhstan at nagpadala ng sining ng mga gawain sa pamamagitan ng mga pintor na Iraniano sa eksibisyon.

Ang pagpapaubaya, pagkakaisa, dayalogo, kapayapaan, at katapatan ay ang pangunahing mga tema ng pagtatanghal sa bansa ng Gitnang Asya.

Ang pakikipagtulungan ng IAQO sa ICRO ay magpapatuloy at isasama ang mga programa sa pagsasaayos ng sining na nagtatampok ng "kapayapaan sa buong mundo sa mga pananampalatayang monotiyestiko", binigyang diin ng opisyal.

Nagbalak din ang samahan na magsagawa ng mga programa upang itaguyod ang mga gawa ng mga pintor na Qur’aniko at binigyang kahalagahan ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa Islam at mga karapatang pantao sa Islam, sinabi pa niya.

 

 

3474269

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: