IQNA

5:22 - May 06, 2021
News ID: 3002761
TEHRAN (IQNA) - Ang mga tagapagsalita sa pangdaigdigang konggreso sa banal na lungsod ng Jerusalem al-Quds ay nagbigay diin na ang lungsod ay dapat palayain at ang lahat ng mga Palestino ay dapat na makabalik sa kanilang mga lupain.

Habang papalapit na ang Pandaigdigang Araw ng Quds, ang pangalawang Konggreso ng Al-Quds ay ginanap sa onlayn noong Martes dahil sa mga paghihigpit ng mikrobyong korona.

Ang mga tagapagsalita sa webinar ay nagbigay diin na suportahan ng lahat ng mga Muslim sa mundo ang mga Palestino.

Sinabi nila na dapat tumindig ang Muslim upang ipagtanggol ang Palestine at kailangan nito ang pagkakaisang Islamiko.

Inilarawan din nila ang Pandaigdigang Araw ng Quds bilang isang sampal sa mukha ng rehimeng Zionista at iba pang mga kalaban ng Islam.

Ang araw na ito ay isa para sa muling pagbuhay sa isyu ng Palestine at paghanap ng hustisya ng mundo, sinabi ni Suheil Asa’ad, isang iskolar at aktibista ng media doon sa kaganapan.

Idinagdag pa niya na upang ang Palestine ay maging isang malayang estado, ang lahat ng mga Palestino ay dapat na umuwi.

Sinabi niya na ang malayang Palestine ay hahayaan ang mga Muslim, mga Kristiyano at mga Hudyo na manirahan nang magkasama sa kapayapaan at ito ang hinihingi ng lahat ng mga tao ng Palestine.

Ang iba pang mga tagapagsalita ay tinukoy ang rehimeng Zionista bilang sanhi ng kawalan ng seguridad, kawalang-tatag, kahirapan, at mga hidwaan sa rehiyon, inaasahan para sa paglaya ng Palestine at pagtatapos sa pananakop ng Israel.

Ang Pandaigdigang Araw ng Quds ay pamana ng yumaong tagapagtatag ng Islamikong Republika, si Imam Khomeini, sino itinalaga ang araw bilang pakikiisa sa mga Palestino.

Mula noong 1979 na Islamikong Rebolusyon sa Iran, ang Pandaigdigang Araw ng Quds ay ginanap sa buong mundo sa huling Biyernes ng buwan ng pag-aayuno ng Muslim ng Ramadan.

Ngayong taon, ang Pandaigdigang Araw ng Quds ay babagsak sa Biyernes, Mayo 7.

 

 

3474630

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: