IQNA

10:49 - September 24, 2021
News ID: 3003185
TEHRAN (IQNA) - Ang ika-27 edisyon ng Paligsahang Qur’an na Pandaigdigan sa Croatia ay nagsimula sa kabisera ng Zagreb noong Miyerkules.

Ang mga magsasaulo ng Qur’an mula sa 18 na mga bansa, kabilang ang punong-abala na bansa, Bosnia at Herzegovina, Turkey, Iran, Somalia, Serbia, France, Norway, Malaysia, Qatar, Jordan, US, Spain, Kuwait at Oman, ay nakikilahok sa kaganapang Qur’aniko na pandaigdigan.

Nakikipagkumpitensya sila sa dalawang mga kategorya, katulad ng pagsasaulo ng buong Quran at pagsasaulo ng kalahati ng Qur’an.

Si Sina Tabbakhi ay kumakatawan sa Islamikong Republika ng Iran sa pagsasaulo na kategorya ng buong Qur’an. Umalis siya sa Tehran patungong Zagreb kaninang madaling araw.

Ang mga dalubhasa sa Qur’an mula sa Croatia, Pransiya, Timog Macedonia, Turkey at Bosnia at Herzegovina ang bumubuo sa lupon ng mga Hukom.

Ang kumpetisyon ay inayos ng Samahan ng mga Kapakanang Muslim ng Croatia sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Awqaf at Islamikong mga Kapakanan ng Qatar, ang Kapisanang Islamiko ng Zagreb at ang Tanggapan ng Kalihim ng Uropiano mga Paligsahan sa Pagsasaulo at Pagbigkas ng Qur’an.

Ang taunang paligsahan ay hindi naganap noong nakaraang taon dahil sa mikrobyong korona na pandemya.

Sa ika-26 na edisyon, na inayos noong 2019, ang mga kinatawan ng Iran ay nauna at pangalawa sa mga kategorya ng pagbigkas at pagsasaulo ayon sa pagkakabanggit.

 

 

3475767

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: