IQNA

9:58 - November 26, 2021
News ID: 3003432
TEHRAN (IQNA) – Bumisita ang Ministro ng mga Kapakanang Panrelihiyon ng Indonesia sa King Fahd Complex para sa Paglilimbag ng Banal na Qur’an sa Medina, Saudi Arabia, upang tuklasin ang pakikipagtulungan para sa paglilimbag ng Qur’an.

"Ang mga Muslim sa Indonesia ay nanatiling kulang pa rin sa mga kopya ng Qur’an. Ang bilang ng mga Muslim sa Indonesia ay umabot sa humigit-kumulang 215 milyon, habang 200 libong mga kopya lamang ang maaari nating ibigay kada taon," sinabi ni Yaqut Cholil Qoumas.

Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag na inilabas dito noong Miyerkules, inaasahan ng Qoumas na ang pakikipagtulungan sa gobyerno ng Saudi upang magbigay ng mga kopya ng Quran ay maisasakatuparan sa pinakamaagang panahon.

Nagsalita ang ministro tungkol sa isang maagang talakayan na ginanap kasama ang Ministro ng Islamikong mga Kapakanan, Da’wah at Patnubay ng Saudi Arabia na si Abdullatif bin Abdulaziz Al Ash-Shaikh.

Ang itong pakikipagtulungang sa paglimbag ng Qur’an ay bahagi ng isang balak sa pagtayo ng Sentrong Islamiko sa Indonesia, sinabi niya.

Binigyang-diin ni Qoumas na ang pagtutulungan sa paglimbag ng Qur’an ay mahalaga upang makapagbigay ng mga kopya ng sapat na dami at magandang kalidad sa Indonesia.

Samantala, ang Pangkalahatang Kalihim ng King Fahd Complex para sa Paglilimbag ng Banal na Qur’an, si Talal bin Razin Al-Rehil, sinalubong ang pakikipagtulungan. Nabanggit niya na ang planta ng paglilimbag taun-taon ay nakapaglimbag lamang ng 18 milyong mga kopya ng Qur’an.

Iginiit ng pangkalahatang kalihim na ang proseso ng paglimbag at pagsuri ng Qur’an ay isinagawa sa mahigpit na paraan. Ang 250-metro kuwadrado na gusali ay naglimbag ng Islamikong Banal na Kasulatan at isinasalin ang mga ito sa iba't ibang mga wika.

"Sa loob ng aming sistema ng seguridad, mayroon kaming sensor upang matukoy ang posibleng maling paglimbag. Kaya, kung may makitang mga kamalian, awtomatikong hihinto ang makina. Ang kalidad ng paglimbag mismo ay maaaring tumagal hanggang 100 na mga taon," paliwanag niya.

Sinabi ng pangalawang ministro ng mga kapakanan ng panrelihiyon na mataas ang pangangailangan ng Qur’an sa Indonesia.

Ayon sa impormasyon ng kagawaran, ang kabuuang kinakailangan para sa Al-Qur’an bawat taon ay mahigit anim na milyong mga kopya. Samantala, ang Al-Quran Printing Unit (UPQ) ng kagawaran ay maaari lamang maglimbag ng 1,705,000 na mga kopya sa panahon ng 2016-2020.

"Ang hamon para sa UPQ sa hinaharap ay ang pagpatupad ng pangangailangan ng mga Muslim na Indonesiano para sa Qur’an na tumataas sa bawat araw na lumilipas," binigyang-diin ng pangalawang ministro.

 

Pinagmulan: antaranews.com

 

 

3476651

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: