Ngayon nakikita natin sa Kanluran na ang rasismo ay ipinagbawal sa buong mundo at ang mga indibidwal sino lumalabag sa mga pamantayan ay pinarurusahan. Gayunpaman, wala pa rin kaming pinagtibay na panukala sa antas ng OIC o Unyong Arabo o iba pang mga konseho pang-iskolar na umiiral sa maraming mga bansang Islamiko at Arabo para sa pagpapahayag ng anumang aksyon na maaaring mag-udyok sa pagpatay sa isang Muslim bilang na Haram," si Sheikh Ghazi Hanina, pinuno ng Kalipunan ng mga Iskolar na Muslim sa Lebanon, sinabi sa IQNA sa isang panayam.
Nagdalamhati siya na ang ilang mga media palabasan ay ginawang mga kasangkapan para sa paghahasik ng alitan sa pagitan ng mga Islamikong mga Madhhab sa halip na magpapataas ng kaalaman at magbigay ng patnubay.
Ang pagsulong ng ilang mga tsanel ng satelayt ng Takfirismo at pagkakahati sa pagitan ng mga Muslim ay humantong sa pagpapatay sa mga Muslim sa mga bansang kagaya ng Afghanistan, Syria at Yaman, sabi niya.
Sa pakikipag-usap tungkol sa pangangailangan ng pagkakaisa sa Muslim Ummah, idinagdag ni Hanina na “Isa sa mga dahilan ng kapangyarihan ng Islam ay ang pagkakaisa sa pagitan ng mga kasapi ng Islamikong Ummah; samakatuwid, ang pagkakaisa ay isang pangunahing garantiya ng kapangyarihan at katatagan ng Ummah."
Ang pinagmulan ng pagkakaisang ito, idinagdag niya, ay ang paniniwala sa Diyos, kay Propeta Muhammad (SKNK), at sa Qur’an.
Sa pagtutukoy sa mga hamon sa unahan ng pagkamit ng pagkakaisa sa pagitan ng mga bansang Muslim, pinangalanan ng iskolar ang mga pagkakaiba ng hurisprudensiya bilang isa sa pinakamapanganib na mga lugar.
Ang mga pagkakaibang ito ay pinagmumulan ng mga talakayan mula noong unang bahagi ng Islam, sabi niya, idinagdag na ang mga isyu ay dapat pag-aralan ng mga iskolar at mga sentrong pananaliksik na Islamiko, hindi sa pamamagitan ng publiko.