Ginawa ni Salimi ang mga pahayag na ito sa isang panayam kasama ang IQNA matapos siyang magsilbi bilang pinuno ng lupon ng hurado sa unang pambansang “Zayen al-Aswat” na paligsahan sa Quran sa Qom.
Ang kaganapan, na ginanap noong Oktubre 1–2, 2025, ay inorganisa ng Sentro ng mga Gawaing Quraniko ng Al al-Bayt Institute sa ilalim ng bansag “Quran, ang Aklat ng mga Tapat,” at pinagsama-sama nito ang batang mga qari at mga tagapagsaulo ng Quran mula sa iba’t ibang mga panig ng Iran. Higit sa 1,600 katao ang nag-apply, at 94 ang umabot sa mga panghuli. Inilarawan ng mga tagapag-ayos ang paligsahan bilang parehong kumpetisyon at plataporma ng pagsasanay para sa magiging mga embahador ng Quran sa hinaharap.
“Ang mga paligsahan sa Quran katulad ng Zayen al-Aswat ay isang pambihirang pagkakataon,” sabi ni Salimi. “Kung ipakikilala natin sa kabataan ang kultura at kaisipan ng Quran, magkakaroon tayo ng mahusay na mga pinuno sa hinaharap na ang tanging layunin ay ang pasayahin ang Diyos at paglingkuran ang mga tao.”
Sinabi niya na ang ganitong mga paligsahan ay hindi lamang mga pagtatanghal kundi edukasyonal na mga paggawaan . “Sa mga paligsahang ito, layunin naming sanayin ang mga tagapagdala ng mensahe ng Quran na maipapakita sa mundo ang maningning na mukha ng Quran at ng Rebolusyong Islamiko,” sabi niya.
Binigyang-diin ni Salimi na ang lahat ng mga institusyong pangkultura at pang-Quran ay may pananagutan sa pagpapalawak ng mga gawaing may kinalaman sa Quran.
“Kung ang iba pang mga organisasyon ay makapagsasagawa ng katulad o mas mahusay pang mga paligsahan, ito ay magiging isang malaking serbisyo upang mahikayat ang lipunan na ikonekta ang kabataan sa Quran,” sabi niya. Hinimok niya ang Kagawaran ng Edukasyon na pagandahin pa ang kalidad ng edukasyon sa Quran sa mga paaralan at nanawagan sa mga institusyong pang-Quran at mga eksperto na magtulungan. “Inaanyayahan namin ang lahat ng mga institusyon, mga organisasyon, at mga iskolar ng Quran na mag-abot ng tulong,” dagdag niya.
Binalaan ni Salimi na huwag hayaang mapabayaan ang Quran. “Hindi natin dapat hayaang mailagay ang Quran sa mga gilid,” sabi niya. “Kung gagawin natin iyon, haharap tayo sa reklamo ng Propeta (SKNK) sa Araw ng Paghuhukom.”
Sa pagtanaw sa hinaharap, sinabi niya na ang layunin ay palakasin ang pangmatagalang pakikilahok ng kabataang mga Iraniano sa Quran.
“Nais ng institusyon na matuto rin ang mga kabataang may talento ng iba pang kasanayan upang magsilbi silang mga embahador ng Quran ng Republikang Islamiko, kahit sa ibang mga bansa,” sabi niya. “Maaari nilang ipakilala sa mundo ang mukhang Quraniko ng ating bansa.”