IQNA

11:55 - March 27, 2022
News ID: 3003904
TEHRAN (IQNA) – Pinangalanan ng isang pakisamahan propesor ng Colgat University ang panghihimasok ng mga bansa sa Kanluran bilang isa sa mga ugat ng pagtaas ng terorismo ekstremismo sa Aprika.

Sa nakalipas na mga taon, kasunod ng pagkatalo ng Daesh (ISIS o ISIL) sa Iraq at Syria, lumilitaw na pinili ng pangkat ang kontinenteng Aprikano para sa iba't ibang mga aktibidad ng terorista. Ang mga paksa katulad ng kahirapan, kahinaan, katiwalian, panloob na mga pamahalaan at mga problema sa pangkultura ay nagdulot sa pagtaas ng panrelihiyong ekstremismo sa rehiyon.

Sa isang pakikipanayam sa IQNA, binanggit ni Jacob Mundy ang tungkol sa mga ugat ng ekstremismo sa Aprika at ang hinaharap nito.

Si Mundy ay ang Pakisamahan na Propesor ng Kapayapaan at Kaguluhan na mga Pag-aaral at Gitnang Silangan at Islamikong mga Pag-aaral sa Colgate University at ang Direktor ng Kapayaan at Kaguluhan na mga Pag-aaral na Palatuntunan.

 

IQNA: Sa nagdaang mga taon, pagkatapos ng pagkatalo ng ISIS sa Iraq at Syria, nasaksihan natin ang malawakang presensya ng grupong ito sa iba't ibang mga bansa sa kontinenteng Aprika, lalo na sa rehiyon ng Sahel. Ano ang dahilan ng pagbabagong ito sa mga taktika ng ISIS?

Mundy: Sa tingin ko ito ay higit pa tungkol sa pagkakataon kaysa sa isang istratehiya. Ang rehiyon ng Sahel ay tahanan ng ilan sa pinakamahihirap na mga bansa sa mundo at ilan sa pinakamahinang mga estado. Kailangan mo lamang tingnan ang libu-libong patay na mga Aprikano sa Mediterraneano upang malaman na ang mga pagkakataon para sa isang mas mabuting buhay ay kakaunti at malayo sa pagitan sa Sahel at malalaking mga bahagi ng Kanlurang Aprika.

Para sa armadong mga pangkat na nagsasabing bahagi sila ng ISIS, ginagamit nila ang "tatak" ng ISIS bilang isang paraan upang makakuha at makipagkumpitensya sa iba pang armadong mga pangkat, at upang makakuha ng bahagi ng pangangalakal sa anumang mga aktibidad na pang-ekonomiya na ginagamit nila para pondohan ang kanilang mga operasyon. Anuman ang natitira sa ISIS sa Timog-kanlurang Asya at Hilagang Aprika, nakikinabang sila sa pang-unawa na ang ISIS ay isa pa ring malaking banta sa mga kapakanan ng Hilagang Atlantiko sa isang lugar sa salita, maging ang Sahel o Afghanistan.

 

IQNA: Ano sa palagay mo ang kadahilanan na umaakit sa mga tao sa mga pangkat ng ekstremista tulad ng ISIS sa Aprika?

Mundy: Gaya ng nabanggit ko, sa tingin ko ang pangunahing kadahilanan ay ang matinding antas ng kahirapan. Kahit na ang mga pamahalaan sa rehiyon ay tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao, ang kapasidad ng estado ay bale-wala sa hindi umiiral sa maraming lugar. Ang pagsali sa isang rebolusyonaryong kilusan ay maaaring magbigay ng kahulugan sa buhay ng mga kabataang lalaki na walang kinabukasan, at makakatulong din ito sa kanila na takasan ang mga panloob na matandang kaugalian, lalong-lalo na ang mga matandang kaugalian nagpapahirap sa panlipunan at pang-ekonomiyang pagsulong (hal., bridewealth).

Ang rehiyon — na ilang mgadekada nang kinakaharap ang disyerto — ay naaabala rin sa kapaligiran dahil sa pag-init ng daigdig na dulot ng kapitalismo, at ang matagal nang mga paraan ng walang katiyakan ngunit mahuhulaan na kaligtasan ay naaabala sa pamamagitan ng tumitinding mga pagbabago sa mga siklo ng tubig, kakayahang umangkop sa lupa, atbp.

 

IQNA: Ang ilan ay naniniwala na ang isang pandaigdigang kampanya na katulad ng nangyari sa Iraq ay epektibo sa paglaban sa ekstremismo sa Aprika. Sa palagay mo ba ay maaaring magtagumpay ang Unypong Aprikano laban sa ISIS at katulad na mga pangkat sa Aprika?

Mundy: Ang dayuhang kontra-terorismong mga interbensyon sa rehiyon ng Sahel ay naging isang kabuuang sakuna mula noong una itong inilunsad noong 2002, nang walang banta sa terorismo na pag-uusapan. Sa katunayan, ang inisyatibo ng US Pan-Sahel ay tumulong upang lumikha ng problema sa terorismo na nakikita natin ngayon sa pamamagitan ng pagtangkang pagdedeklara sa Sahara-Sahel na isang "terorismo pook" na nakaugnay sa Gitnang Silangan at Afghanistan sa pamamagitan ng konsepto ng "pook na ligtas sa terorista".

Ang isang mahalagang kinahinatnan nito ay upang gawing mas mahalaga ang maliit na bilang ng mga rebeldeng Maghribi sa rehiyon kaysa sa katunayan na mga ito. Bukod sa pagkidnap sa mga dayuhan, hindi sila nakapagsagawa ng malalaking mga operasyon laban sa alinman sa mga rehimeng Hilagang Aprika. Ang interbensyon ng Amerika sa Sahara ay nagkaroon din ng epekto ng pagpatay sa industriya ng turismo, na alin napakahalaga sa mga tao sa buong Sahara at mga bahagi ng Sahel. Pagkalipas ng dalawang mga dekada, nabubuhay tayo kasama ang mga kahihinatnan, at ngayon kahit na ang Pransiya ay umamin na ang interbensyon nito sa Mali ay walang gaanong nagawa upang palakasin ang seguridad sa lugar.

 

IQNA: Aling mga bansa sa Aprika sa palagay mo ang pinaka nanganganib na ibagsak ang pamahalaan ng mga ekstremista?

Mundy: Ang lahat ng mga pamahalaan sa rehiyon ay mahina at tiwali, ngunit ang mga lipunan ay hindi kinakailangang sumusuporta sa ideolohiya ng ISIS, kahit na ito ay iniangkop sa panloob na mga anyo ng kulturang Islamiko. At siyempre, mayroong higit na panrelihiyong pluralidad sa karagdagang timog na pupuntahan mo.

Ang mga grupong ito ay maaaring umiral sa loob ng mga estado sa rehiyon (hal., hilagang Mali, ang tatsulok ng Mali-Niger-Burkina, hilagang-silangan ng Nigeria) ngunit magiging mahirap para sa kanila ang pag-agaw ng kapangyarihan, at mabuti sa kanila ang relatibong kaligtasan sa mga bundok kaysa sa mas maraming tao na kapaligiran ng lungsod.

 

IQNA: Paano mo masusuri ang papel na ginagampanan ng panloob na mga kapakanan sa pagtaas ng kapangyarihan ng ISIS at teroristang mga pangkat katulad nito?

Mundy: Ang mga paksang ito ay matinding pangpandaigdigan. Gaya ng nabanggit ko sa itaas, ang pag-usbong ng terorismo sa Sahara-Sahel ay isang kuwento ng pandaigdigang Kanluranin at mga rehimeng suportado ng Kanluranin. Ang pandaigdigang ekonomiya ay inhinyero pa rin upang maubos ang yaman mula sa Aprika at ipadala iyon sa Hilagang Atlantiko at lalong tumaas sa Silangang Asya.

Ang pagbagsak ng estado sa Hilagang Mali noong 2012 ay direktang bunga ng panghihimasok ng NATO noong 2011 upang pabagsakin ang rehimeng Gaddafi sa Libya. Ang panloob at rehiyonal na dinamika ay mahalaga, ngunit hindi nila sinasabi ang buong kuwento.

 

IQNA: Paano mo tinatasa ang hinaharap ng Aprika dahil sa kasalukuyang kalagayan at ang banta ng terorismo?

Mundy: Iyon ay isang madilim na hinaharap na may mahabang kasaysayan. Nang matanto ng mga kapangyarihang Uropa na hindi nila magagawang kolonya ang Aprika sa parehong paraan katulad ng Amerika, ang tungkulin ng Aprika sa pandaigdigang pulitika ay naging isang "lugar ng pag-aalay" kung saan maaaring makuha ang yaman (murang lupain, murang labor, at saganang kalikasan na mga mapagkukunan), ngunit maliit na makabuluhang "pag-unlad" ang magaganap.

Tiniyak ng Malamig na Digmaan na ang Aprika ay nananatiling nakadepende sa mas malalaking kapangyarihan habang ang Hilagang Atlantiko na mundo ay naghangad na pahinain ang Ikatlong Mundo at ang Bagong Pandaigdigang Economiya na Kalagayan na ipinaglaban ng Hindi Nakahanay na mga bansa katulad ng Algeria at pagkataos ng himagsikan sa Iran. Itinakda ng bagong-liberal na pandaigdig ang mga ugnayang ito sa bato, bagama't ngayon ay sinusubukan ng Tsina na bumuo ng isang mapamimilian sa pangingibabaw ng Hilagang Atlantiko sa pamamagitan ng Aprika at sa ibang lugar.

Ngunit habang tumitindi ang pag-init ng mundo habang bumababa ang populasyon sa buong mundo, nahaharap ng mayayamang mga bansa ang makabuluhang katanungan tungkol sa paglipat ng mga populasyon mula sa hindi matitirahan na mga tropiko patungo sa mas mapagtimpi na mga sona sa hilaga at timog upang mapanatili na mabubuhay na pamamahagi ng populasyon.

Ang pagpipigil dito ay ang lumalagong kapangyarihan ng kapootang panlahi at nasyonalismo sa daigdig ngayon, na alin gagawing hindi maisip ang gayong malaking mga kilusan ng mga tao mula sa pandaigdigang timog hanggang sa pandaigdigang hilaga, katulad ng mga reparasyon para sa kolonyalismo, imperyalismo at pang-aalipin na tila hindi maisip noong nakaraang siglo.

 

Panayam ni Mohammad Hassan Goodarzi

 

 

3477977

 

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: