IQNA

Libu-libong Tumulong sa Paglilinis sa Moske ng Al-Aqsa Bago ang Ramadan

11:50 - March 29, 2022
News ID: 3003912
TEHRAN (IQNA) – Libu-libong mga Palestino ang tumulong sa paglilinis ng Moske ng Al-Aqsa sa Jerusalem al-Quds.

Ang mga aktibidad sa paglilinis ay bahagi ng mga pagsisikap na ihanda ang moske para sa banal na buwan ng Ramadan, ayon sa Ahensiya ng Anadolu.

Ang Islamikong Kilusan sa Sinasakop na mga Lupain at ang Samahan para Ipagtanggol ang Al-Aqsa na Awqaf (mga pinagkakaloob) at mga Kabanalan ay nag-organisa ng mga aktibidad.

Mahigit 10,000 na Palestinong kalalakihan, kababaihan at mga bata mula sa mga bayan ang lumahok sa mga aktibidad.

Pati na rin ang paglilinis ng mga patyo at iba pang mga bahagi ng moske, kasama sa mga aktibidad ang pagpapanumbalik ng mga bahagi ng mga gusali sa mga kapitbahayan sa Lumang Lungsod.

Ang mga Palestino ay masigasig na naghihintay para sa banal na buwan upang dumalo sa mga pagdarasal at espesyal na mga ritwal sa moske.

Ang Ramadan, ang ikasiyam na buwan ng kalendaryong Islamiko, ay sinusunod ng mga Muslim sa buong mundo bilang isang buwan ng pag-aayuno, pagdarasal, pagmumuni-muni, kawanggawa at komunidad. Iyon ay babagsak sa Abril ngayong taon.

 

 

3478280

 

captcha