
Nagtapos na ang Ika-26 na Sheikha Hind bint Maktoum na Paligsahan sa Quran. Inanunsyo ng Dubai International Holy Quran Award (DIHQA) ang pagtatapos ng ika-26 na edisyon ng paligsahan, ayon sa ulat ng WAM.
Ayon sa DIHQA, nasaksihan ng paligsahan ngayong taon ang kahanga-hangang dami ng dumalo at isang hindi pa nararating na bilang ng mga kalahok, na sumasalamin sa bantog ng parangal at sa patuloy nitong lumalaking papel sa paglilingkod sa Banal na Quran at sa paglikha ng kultura ng pagsasaulo at ganap na pag-unawa nito sa lipunang Emirati at sa mga sambayanan.
Umabot sa 1,666 ang kabuuang bilang ng mga kalahok sa edisyong ito, na binubuo ng kalalakihan at kababaihan mula sa iba’t ibang mga edad at mga kategorya; 868 ay ang mga kalalakihan at 798 ay ang mga kababaihan, na nagpapakita ng lawak at pagkakaiba-iba ng pakikilahok.
Kinatawan ng mga kalahok ang 55 na mga nasyonalidad mula sa mga bansang Arabo, Asyano, Aprikano, at Uropiano, kung saan nanguna ang mga mamamayang Emirati na may 1,028 na mga kalahok, na kumakatawan sa pinakamataas na porsiyento ng pakikilahok ng mga mamamayan sa kasaysayan ng paligsahan.
Sinabi ni Ahmed Darwish Al Muhairi, Tagapangulo ng Lupon ng mga Katiwala ng Parangal at Direktor Heneral ng Kagawaran ng Islamikong mga Kapakanan at Mapagkawanggawa na mga Paggawa ng Dubai, na ang paligsahan ay naging isang angkop na plataporma upang maakit ang mga natatanging tagapagsaulo ng Quran mula sa iba’t ibang mga nasyonalidad sa bansa, at ang pagtaas ng bilang ng mga kalahok ay nagpapakita ng hangarin ng pamahalaan na suportahan ang mga proyektong Quraniko na tumutulong sa paghubog ng isang henerasyong may malalim na kaalaman sa Aklat ng Panginoon.
Ang mga pinal at mga nagwagi ay nakatakdang parangalan sa isang espesyal na seremonya na gaganapin sa darating na banal na buwan ng Ramadan, sa ilalim ng pagtatangkilik ni Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, Punong Ministro ng UAE at pinuno ng Dubai.