IQNA

Mga Palatuntunan sa Pagbabasa ng Qur’an sa Ramadan na Binalak sa Iraq

5:42 - April 02, 2022
News ID: 3003923
TEHRAN (IQNA) – Ang Sentro ng Dar-ol-Qur’an ng Astan (pangangalaga) ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) ay nagpaplanong mag-organisa ng 146 Khatm Qur’an (pagbabasa ng Qur’an mula sa simula hanggang sa katapusan) na mga palatuntunan sa banal na buwan ng Ramadan .

Ang mga ito ay gaganapin sa sentro at mga sangay nito sa iba't ibang mga bahagi ng Iraq, iniulat ng website ng Astan.

Bahagi sila ng mga aktibidad at mga palatuntunan ng sentro para sa banal na buwan, na alin magsisimula sa Linggo.

Sinabi ni Safa al-Silawi, ang pinuno ng sentro, na ang iba pang mga palatuntunan ay magsasama ng mga sesyong Qur’aniko sa anibersaryo ng kapanganakan ni Imam Hassan (AS), mga Gabi ng Qadr at anibersaryo ng pagkamartir ni Imam Ali (AS).

Magkakaroon din ng mga paliigsahan sa pagsasaulo, pagbigkas at Tafseer (pagkakahulugan) ng Qur’an gayundin sa mga sesyon ng pagbabasa ng Qur’an para sa mga kababaihan, dagdag niya.

Ang Ramadan ay ang ikasiyam na buwan ng Islamikong kalendaryo kung saan ang mga Muslim ay nag-aayuno mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw. Ang Qur’an ay ipinahayag sa puso ng Banal na Propeta (SKNK) sa buwang ito.

 

 

3478310

captcha