Sinabi ni Mohammad Allahyari na nagtanghal sila ng higit sa 13,000 na mga pamagat ng Qu’ran sa eksibisyon.
Idinagdag niya na inilagay nila ang mga gawa sa pagpakita sa isang lugar na may sukat na 2,300 na mga metro kuwadrado sa Imam Khomeini (RA) Mosalla (bulwagan ng pagdasal).
Ayon kay Allahyari, ang mga aklat ay nasa mga tema katulad ng pagpapakahulugan ng Qur’an, Hadith, Fiqh, Usul, sining Islamiko, etika, atbp.
Ipinapakita sa bahaging ito ang mga Qur’an na inilimbag sa pamamagitan ng Iranianong mga tagapaglathala gayundin ang mula sa Syria at Lebanon, itinuro niya.
Ang Ika-29 na Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay isinasagawa sa Mosalla sa loob ng dalawang mga linggo.
Idinaraos taun-taon sa buwan ng pag-aayuno ng Ramadan, ang pagtatanghal ay nagbukas ng mga pinto nito pagkatapos ng dalawang taong pahinga dahil sa pandemya ng mikrobyong korona.
Ang Ika-29 na edisyon ng kaganapan ay nagdala dito ng mga tagapagtatanghal mula sa Iran at iba pang Muslim na mga bansa upang ipakita ang kanilang mga produktong Qur’aniko at panrelihiyon.
Habang ang pagtatanghal ay nagpapakita ng katangi-tanging mga kopya ng Qur’an, nagbibigay din ito ng pagkakataon sa IT na mga kompanya upang ipakita ang onlayn na bersyon ng Banal na Aklat kasama ng iba pang panrelihiyon mga app at malambot na bagay (software).
3478632