IQNA

Rabbi: Ang Isyu ng Palestino ay Malutas Lamang sa Pamamagitan ng Pagwawakas na Pananakop

3:10 - April 30, 2022
News ID: 3004024
TEHRAN (IQNA) – Isang Hudyo na Rabbi sa New York ang nagsabi na ang tanging kalutasan sa isyu ng Palestino ay ang wakasan ang ilang mga dekada na pananakop ng mga Zionista sa bansa.

Ngayon ang huling Biyernes ng Ramadan na minarkahan sa buong mundo bilang Araw ng Quds na Pandaigdigan. Ang mga Muslim at maging ang mga hindi-Muslim ay nakikibahagi sa mga pagtipun-tipunin upang ipahayag ang kanilang suporta para sa mga mamamayan at layunin ng Palestino.

Ang International Quran News Agency ay nakipag-ugnayan kay Rabbi Yisroel Dovid Weiss, isang tagapagsalita ng Neturei Karta International, upang karagdagang talakayin ang isyu tungkol sa Palestine at ang pananakop ng Israel.

 

Narito ang buong teksto ng panayam:

IQNA: Ang mga pagsisikap na gawing normal ang ugnayan sa pagitan ng ilang mga estadong Arabo at Israel ay nabigo na bawasan ang mga tensyon sa sinasakop na mga teritoryo. Ano ang dahilan nito?

Rabbi Weiss: Nawa'y tulungan ako ng G-d at gabayan ako upang makasagot nang maayos at wastong kumatawan sa Hudaismo. Isa ito sa mga alituntunin ng paniniwala ng mga Hudyo na hindi kami nakikisali o nagpapahayag ng mga opinyon tungkol sa pulitika sa pagitan ng mga bansa. Kami ay nagpapasalamat na ang mga bansang ito ay gustong makipagkaibigan sa mga Hudyo. Ang problema ay ang mga Zionista ay nagpapanggap na kumakatawan sa Hudaismo at Hudyo, ngunit hindi. Ipinagbabawal ng relihiyong Hudyo na magkaroon ng sariling soberanya hanggang sa pagdating ng Mesiyas, gayundin bawal sa amin na magnakaw o mang-api ng ibang mga tao. Tiyak na hindi natin dapat saktan ang mga taong Muslim at Arabo na kailangan nating magpakita ng pasasalamat sa kabutihan at pakikipagkaibigan na ipinakita nila sa mga Hudyo sa nakalipas na daan-daang mga taon. Ang mga Palestino ay patuloy na nabubuhay sa ilalim ng pananakop. Gusto lang nila ng sariling pagpapasya sa kanilang sariling lupain, na alin ninakaw mula sa kanila noong 1948. Nais nilang maibalik ang kanilang kalayaan. Ang lahat ng iba pang solusyon ay band-aid lamang. Hindi nila tinutugunan ang problema. Ang pinakamalalim na hangarin ng mga Palestino ay hindi nasiyahan.

IQNA: Ano sa palagay mo ang pangunahing dahilan ng pagkabigo ng pamayanang pandaigdigan sa paglutas ng isyu ng Palestino?

Rabbi Weiss: Ang pamayanang pandaigdigan ay hindi naiintindihan ang sakit at samakatuwid ay nagreseta ng maling gamot. Ang problema ay walang kinalaman sa Hudaismo laban sa Islam. Ang problema ay isang hindi makatarungan, makasarili, may depektong ideolohiyang pampulitika na may layuning sakupin ang lupain ng ibang mga tao. Samakatuwid ang solusyon ay hindi ang paggawa ng kapayapaan sa pagitan ng mga relihiyon. Walang anumang salungatan sa pagitan ng mga relihiyon. Ang kalutasan ay ang pagtatapos ng pananakop.

Sa huli, ang pangunahing dahilan kung bakit ang lahat ng mga pagtatangka na pandaigdigan sa pagdadala ng kapayapaan ay hindi nagtagumpay ay dahil ang Estado ng Israel ay sumasalungat sa kalooban ng Makapangyarihan sa lahat, sa pagkakaroon lamang nito at ang pang-aapi nito sa mga mamamayang Palestino.

 

IQNA: Ang ilang mga tagamasid ay naniniwala na ang dalawang-estado na solusyon ay mabibigo dahil sa paminsan-minsang mga tensyon sa sinasakop na mga teritoryo. Ano ang iyong palagay dito?

Rabbi Weiss: Muli, ang dalawang-estado na solusyon ay parang pagputol ng puso sa kalahati. Nais ng mga Palestino ang kalayaan sa isang hindi nahahati na Jerusalem at isang hindi nahahati na Palestine, na alin orihinal sa kanila. Ang mga solusyong ito ay band-aid. Kaya natural na hindi sila magtatagal.

At muli, ang mga Hudyo ay hindi pinahihintulutan na magkaroon ng anumang estado ng kanilang sarili, kahit na hindi ito makakaapekto sa mga Palestino at tiyak kung saan ito nangyayari. Kaya sinisigurado ng Panginoon na hindi iyon magtatagumpay.

 

IQNA: Ano sa palagay mo ang pinakamahusay na solusyon para sa ilang mga dekada nang isyu sa Palestine?

Rabbi Weiss:  Ang mundo dumating na makilala na ang pananakop ng Palestine ay isang krimen. Hindi pakikibaka iyon ng dalawang grupo ng mga tao, o dalawang mga relihiyon, dahil sa lupa, at makamtan natin ang kasunduan sa pagitan sa kanila. Ngunit gayunpaman, na ang mga Hudyo at mga Palestino kapareha ay mga biktima na makasarili, kamalian, materyalitiko na kilusan. At ang kalutasan ay sa panahon na makilala natin iyon, ating matagpoan ang mabuting paraan na gawin sa kilusan na lumabas sa larawan, at pagkatapos maninirahan na mapayapa na magkasama ang mga Hudyo at mga Palestino para sa daang-daan na mga taon, maaari silang magpatuloy sa ganon na paraan. Ang panrelihiyon na pagkakaiba ay hindi talagang maging dahilan para sa pagkahati. Iyon lamang ay isang kilusang pampulitika.

 

Rabbi: Palestinian Issue Will Only Be Resolved by Ending the Occupation

 

IQNA: Paano mo nakikita ang kahalagahan at epekto ng Araw ng Quds na minarkahan ng mga Muslim sa buong mundo?

Rabbi Weiss: Napakahalaga nito dahil kailangan nating laging tandaan ang pinagmulan ng isyu. Kailangan nating hindi lamang magsalita tungkol sa kasalukuyang mga krimen, kundi pati na rin ang pinagmumulan ng problemang bumalik noong 1948 nang angkinin ng mga Zionista ang lupain. Ang kanilang mga biktima ay, at nananatiling mga Palestino at mga Hudyo. Tinutulungan tayo ng Araw ng Quds na alalahanin ang ating memorya.

Nawa'y tulungan tayo ng Diyos at akayin tayo sa isang malayang Palestine, at ang panahon kung saan lahat tayo ay makapaglingkod sa Kanya nang may kagalakan at kapayapaan.

 

Panayam ni Mohammad Ali Haqshenas

 

 

3478696

Name:
Email:
* Comment:
* :