IQNA

Pagpapakita ng Pagkakaisa sa Paligsahan ng Qur’an na Pambansa sa Iran

7:01 - September 21, 2022
News ID: 3004575
TEHRAN (IQNA) – Inilarawan ng pinuno ng Sentro ng mga Kapakanang Qur’aniko ng Samahang mga Kapakanang Awqaf at Kawanggawa ng Iran ang paglahok ng mga mamamayang Sunni sa pambansang kumpetisyon ng Qur’an bilang isang pagpapakita ng pagkakaisang Islamiko sa bansa.

Sinabi ni Hamid Majidimehr sa IQNA na ang Sunni na mga Muslim ay nakibahagi sa panlalawiagan na ikot ng ika-45 na Paligsahan ng Qur’an na Pambansa, lalo na sa mga lalawigan katulad ng Kurdistan, Sistan at Baluchestan, Hormozgan, West Azarbaijan, Bushehr, South Khorasan at Golestan.

Nabanggit din niya na ang mga mamamayan ng Sunni ng bansa ay nakibahagi sa malaking bilang sa kategorya ng pagpapakihulugan ng Qur’an batay sa mga mapagkukunan ng Sunni Tafsir.

Gayundin, ang ilang mga dalubhasa sa Qur’an mula sa mga kapatid na Sunni ay inanyayahan na maglingkod bilang mga kasapi ng mga lupon ng mga hukom sa kumpetisyon, ang sinabi ng opisyal.

Ang lahat ng ito ay mga pagpapakita ng pagkakaisa at kalapitan ng mga paaralang Islamiko na pag-isip batay sa Banal na Qur’an, idinagdag niya.

Alinsunod sa opisyal, may kabuuang 1,853 na mga Sunni mula sa 27 na mga lalawigan ang dumalo sa panlalawigan na yugto ng edisyong ito ng patimpalak.

Nabanggit din ni Majidimehr na ang panrelihiyon na mga tao mula sa ibang mga pananampalataya katulad ng Kristiyanismo at Zoroastrianismo ay dumalo sa mga seremonya na nagmamarka ng simula o pagtatapos ng mga paligsahan sa Qur’an sa bansa.

Ang pagpapahusay ng pagkakaisa at pagkakasundo ay kabilang sa pangunahing mga tungkulin ng mga kumpetisyon sa Qur’an sa Islamikong Republika ng Iran at ang malaking espirituwal na kakayahan na ito ay dapat pangalagaan, sinabi pa niya.

Ang mga pangalan ng mga nakapasok sa pambansang ikot ng ika-45 na pambansang kumpetisyon ng Qur’an sa Iran ay inihayag noong Huwebes.

Ang huling ikot ay nakatakdang gaganapin sa timog-kanlurang lalawigan ng Khuzestan sa buwan ng Dey (Disyembre 2022-Enero 2023).

Ang Kumpetisyon na Pambansa ng Qur’an ng Islamikong Republika ng Iran ay taun-taon na ginaganap ng Samahan ng mga Kapakanan ng Awqaf at Kawanggawa na may partisipasyon ng nangungunang mga aktibista ng Qur’an mula sa buong bansa.

Ito ay naglalayong tuklasin ang mga talento ng Qur’an at itataguyod ang mga aktibidad ng Qur’an sa lipunan.

                                                            

 

3480553

Name:
Email:
* Comment:
captcha