IQNA

Pagtitipon na Pandaigdigan ng Al-Quds Pinaplano sa Jordan

9:22 - September 25, 2022
News ID: 3004588
TEHRAN (IQNA) – Magpunong-abala ang Jordan sa isang pandaigdigang kumperensya sa banal na lungsod ng Jerusalem Al-Quds sa susunod na buwan.

Nakatakda sa Oktubre 23-24, iyon ay gaganapin sa ilalim ng temang “Al-Quds: Kasaysayan, Pantao at Relihiyon, ayon sa Qudspress website.

Ang kagawaran ng kultura ng bansang Arabo ay mag-oorganisa ng kaganapan sa pakikipagtulungan sa Doha na nakabase na Sentrong Pandaigdigan para sa Dayalogo sa Pagitan ng Pananampalataya at ang Unyong Pandaigdigan para sa mga Iskolar na Muslim.

Sinabi ni Rasmi al-Falah, isang opisyal sa komite ng pag-aayos, na higit sa 100 mga iskolar, mga mananaliksik, mga palaisip, mga politiko, Muslim at Kristiyanong mga kleriko, at mga kinatawan mula sa mga samahang pandaigdigan at mga aktibistang panlipunan na sibilyan ang lalahok sa kumperensya.

Sinabi niya na 20 na mga papel na pang-iskolar ang ihaharap at tatalakayin sa kumperensya, kabilang ang isa tungkol sa suporta ng Jordan para sa al-Quds at ang papel na ginagampanan nito sa pagprotekta sa sagradong mga lugar ng Islam at Kristiyano sa lungsod.

Ang makasaysayang katayuan ng al-Quds, ang demograpiya ng lungsod, ang pagkakakilanlang Arabo nito, ang kahalagahan nito sa panrelihiyon, ang mga responsibilidad ng mga organisasyong pandaigdigan, panrehiyon, pampulitika at karapatang pantao sa lungsod, at ang papel ng media sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa mga pag-unlad nito ay kabilang sa mga paksang tatalakayin sa dalawang araw na kaganapan, sinabi pa niya.

Ang Jordan ay ang tagapangalaga ng mga banal na lugar sa bakuran ng Moske ng Al-Aqsa sa al-Quds.

 

 

3480602

Name:
Email:
* Comment:
captcha