IQNA

Ang Ika-16 na Pandaigdigan na Paligsahan ng Banal na Qur’an sa Morocco ay Nagsisimula sa Casablanca

6:27 - September 29, 2022
News ID: 3004605
TEHRAN (IQNA) – Nagsimula noong Martes ang ika-16 na edisyon na paligsahan ng Banal na Qur’an na pandaigdigan sa Morocco sa lungsod na Kanluran ng Casablanca.

May 60 na mga Kalahok mula sa mga bansang Aprikano at Asyano ang nakikipagkumpitensya sa apat na mga kategorya ng pagsasaulo ng Qur’an, pagbigkas ng Tarteel, Tajweed, at Tafseer (pagpapakahulugan ng Qur’an).

Ang paligsahan ay magtatapos ngayon, Setyembre 28, at ang mga nanalo ay iaanunsyo sa Biyernes.

Ang kumpetisyon ay taunang inorganisa ng Kagawaran ng Awqaf at Islamikong mga Kapakanan ng Morocco.

Sinabi ng kagawaran na ang kumpetisyon ay gaganapin sa okasyon ng anibersaryo ng kapanganakan ng Banal na Propeta (SKNK) bilang bahagi ng pagsisikap ng kagawaran na isulong ang pagsasaulo ng Qur’an, Tajweed at Tafseer.

Ang Morocco ay isang bansang Arabo sa Hilagang Aprika na nasa hangganan ng Karagatang Atlantiko at Dagat Mediteraneo. Ang Islam ang nangingibabaw na relihiyon sa Morocco, na may 99 porsiyento ng mamamayan ang sumusunod dito.

                                                                

 

3480652

Name:
Email:
* Comment:
captcha