IQNA

Ang Panawagan ng Al-Azhar para sa Sunni-Shia na Diyalogo ay Malugod na Tinanggap ng WFPIST

13:32 - November 08, 2022
News ID: 3004763
TEHRAN (IQNA) – Ang Pandaigdigang Talakayan para sa Kalapitan ng Islamikong mga Paaralan ng Pag-iisip [World Forum for Proximity of Islamic Schools of Thought (WFPIST)] ay tinanggap ang panawagan ng Al-Azhar para sa pagtatatag ng diyalogo sa pagitan ng Shia at Sunni na mga Muslim.

Ang Kalihim ng Heneral ng WFPIST na si Hojat-ol-Islam Hamid Shahriari ay sumulat noong Lunes sa dakilang imam ng Moske ng Al-Azhar ng Cairo na si Sheikh Ahmed al-Tayeb, na tinatanggap ang panawagan ng huli na magsagawa ng diyalogo.

"Ang iyong pagpapahayag ng kahandaang magpunong-abala ng diyalogong ito kasama ng mga iskolar ng Al-Azhar ay nagpapakita ng iyong kahandaan sa isyung ito at na hinahangad mong maabot ang mga layuning ito nang may katapatan at dalisay na hangarin at may layuning lumapit sa Diyos," isinulat ni Shahriari.

Ang Pandaigdigang Talakayan para sa Kalapitan ng Islamikong mga Paaralan ng Pag-iisip (World Forum for Proximity of Islamic Schools of Thought) ay palaging nagpahayag ng suporta nito para sa "pangsibilisasyon at pangunguna ng mga panawagan" para sa pagsasaisantabi ng mga pagkakaiba at pagsasaalang-alang sa "mga interes ng Ummah" sa ibabaw ng personal na mga interes, idinagdag ng iskolar ng Shia.

"Gayundin sa araw na ito, upang ipahayag ang pakikiisa sa iyong panawagan, ipinapahayag namin ang aming kahandaan na ialok ang lahat ng aming mga pasilidad na naaayon sa tagumpay ng planong ito," itinampok ng Iranianong kleriko.

Nagnanais ng tagumpay para kay Al-Tayeb at Al-Azhar, naisin ni Shahriari ang pagsasakatuparan ng "karangalan, dignidad, at seguridad ng Islamikong Ummah" at mapapanakop ang mga tinig na nagtataguyod ng "poot, pagkakabaha-bahagi, at Takfir" sa mundo ng Muslim.

Sa pagsasalita noong Biyernes sa Bahrain, sinabi ni Al-Tayeb, "Ako at ang pangunahing mga iskolar ng Al-Azhar at Konseho ng mga Matatandang mga Muslim ay handa nang bukas ang mga kamay upang maupo nang magkasama sa isang bilog na lamisa kasama ang aming mga kapatid na Shia upang isantabi ang aming mga pagkakaiba at palakasin ang aming Islamikong pagkakaisa.”

Ang nasabing diyalogo, ayon sa kanya, ay maglalayon na iwaksi ang anumang usapan ng poot, pagsusulsol at pagtitiwalag at isantabi ang sinaunang at modernong tunggalian sa lahat ng mga anyo nito.

"Nananawagan ako sa aking mga kapatid, mga iskolar na Muslim, sa buong mundo ng bawat doktrina, sekta at paaralan ng pag-iisip na magdaos ng isang Islamikong diyalogo," diin ni al-Tayeb.

Ang talakayan ay ginanap sa Manama sa pagkakaroon ni Papa Francis na gumawa ng kanyang unang paglalakbay sa isla.

 

 

3481155

captcha