IQNA

Binibigkas ng Ehiptiyanong Qari ang Qur’an sa Serbisyong Pang-alaala para sa mga Bayani ng Paglaban

10:36 - January 02, 2023
News ID: 3004981
TEHRAN (IQNA) – Isang serbisyong pang-alaala ang ginanap sa Tyre ng Lebanon para sa bayani na mga kumander ng kilusang paglaban Tineyente Heneral Qassem Soleimani at Abu Mahdi al-Muhandis.

Ang Sentro ng Imam Hussein (AS) sa Tyre ang nagpunong-abala ng kaganapan bago ang ikatlong anibersaryo ng pagiging bayani ng mga kumander.

Iyon ay dinaluhan ng mga kilalang tao na panrelihiyon katulad nina Sheikh Ali Arif at Hajj Bilal Daghir pati na rin ang ilang bilang ng mga opisyal ng Hezbollah.

Ilang mga qari, kabilang sina Abdul Rahman al-Khouli mula sa Ehipto at Mohammad Ghalmoush mula sa Lebanon, ay bumigkas ng mga talata mula sa Banal na Qur’an sa serbisyo ng pang-alaala.

Itinampok din nito ang mga talumpati ng ilang mga anak ng mga bayani ng Hezbollah at pagpalabas ng isang video klip tungkol kay Heneral Soleimani.

Teneyente Heneral Soleimani, sino siyang kumander ng puwersang Quds ng IRGC, Pangalawang Kumander  ng Iraqi Popular Mobilization Units (PMU) na si Abu Mahdi al-Muhandis, at ilang bilang sa kanilang pangkat ang napatay sa isang pagsalakay ng mga drone ng Amerika malapit sa Paliparan na Pandaigdigan ng Baghdad sa maagang mga oras ng Enero 3, 2020.

Inako ng White House at Pentagon ang responsibilidad para sa mga pagpaslang, at sinabing ang pag-atake ay ginawa sa kautusan sa presidente noon ng US na si Donald Trump.

Iba't ibang mga programa ang binalak na isagawa sa Iran, Iraq at ilang iba pang mga bansa upang gunitain ang anibersaryo ng pagkabayani ni Heneral Soleimani, al-Muhandis at kanilang mga kasama.

Egyptian Qari Recites Quran in Memorial Service for Martyrs Soleimani, Al-Muhandis

Egyptian Qari Recites Quran in Memorial Service for Martyrs Soleimani, Al-Muhandis

                                                                                                                                                 

                                                                                                                                                                  3481890

captcha