Ang An-Najm ay ang pangalan ng ika-53 na kabanata ng Banal na Qur’an, na mayroong 62 na mga talata at nasa ika-27 Juz. Ito ay Makki at ang ika-23 na Surah na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).
Naniniwala ang ilan na iyon ang unang Surah na binigkas ni Propeta Muhammad (SKNK) sa publiko sa banal na Ka'aba pagkatapos niyang ihayag ang kanyang paanyaya sa Islam.
Ang Surah ay tinatawag na An-Najm dahil sa unang talata, ang Diyos ay nanunumpa sa pamamagitan ng Najm (bituin) at ang oras kung kailan iyon bababa. Ang salitang Najm sa kanyang isahan at pangmaramihang anyo ay binanggit ng 13 na mga beses sa Qur’an.
Ang pangkalahatang layunin ng Surah An-Najm ay ang pagbibigay-diin sa tatlong mga tema: pagka-Diyos, pagkapropeta at muling pagkabuhay. Pinag-uusapan din nito ang katotohanan ng paghahayag, ang direktang pakikipag-ugnayan ng Propeta (SKNK) kay Angel Jibril (Gabriel), ang kuwento ng Mi'raj ng Banal na Propeta.
Tinutuligsa nito ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan ng mga di-mananampalataya at tinatalakay ang katotohanang bukas ang mga pintuan sa pagsisisi at ang bawat isa ay may pananagutan sa kanyang mga gawa, gayundin ang kapalaran ng naunang mga bansa sino nagpumilit na labanan ang katotohanan.
Sa simula ng Surah, binibigyang-diin ng Diyos na ang Propeta (SKNK) ay direktang tumatanggap ng kapahayagan mula kay Angel Jibril at hindi niya sinabi maliban sa ipinahayag sa kanya.
Sa isa pang bahagi, ang kabanata ay nagsasalita tungkol sa paglalakbay ng Propeta (SKNK) sa langit at inilalarawan ang ilang mga bahagi ng paglalakbay.
Pagkatapos ay pinupuna nito ang mga pamahiin ng mga hindi naniniwala tungkol sa mga diyus-diyosan at iba pang mga isyu na batay sa mga pagnanasa at mga tukso at nagpapaalala sa kanila na ang mga pintuan ay bukas para sa pagsisisi. Itinatampok nito ang pagpapatawad ng Diyos at gayundin ang katotohanan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kanyang mga gawa.
Susunod, tinatalakay ng Surah ang isyu ng muling pagkabuhay at pinatutunayan nito ng malinaw at lohikal na mga dahilan. Ito rin ay tumutukoy sa masakit na sinapit ng naunang mga tao na laban sa katotohanan at iginiit ang kanilang awayan.
Ang Mi'raj ni Propeta Muhammad (SKNK) ay kabilang sa pangunahing mga isyu na binanggit sa Surah. Sa gabi ng Mi'raj, ang Propeta (SKNK) ay naglakbay mula sa Mekka patungo sa Moske ng Al-Aqsa sa Palestine at mula roon patungo sa langit. Ayon sa mga ulat sa Islamikong mga pinagmulan, sa paglalakbay na iyon, nakipag-usap siya sa ilang mga anghel gayundin sa mga tao ng paraiso at impiyerno. Ang Propeta (SKNK) ay nakipag-usap din sa ilang mga sugo ng Diyos at nagkaroon din ng pag-uusap sa pagitan niya at ng Diyos.