IQNA

Gantimpalang Pandaigdigan Naglalayong Ipagtaguyod ang Martsang Arbaeen

11:22 - February 11, 2023
News ID: 3005138
TEHRAN (IQNA) – Ang pangunahing layunin ng Gantimpalang Pandaigdigan ng Arbaeen ay isulong ang mahusay na martsa ng Arbaeen na binoykoteho at binaluktot ng pandaigdigang media, sinabi ng isang opisyal.

Si Hojat-ol-Islam Mohammad Mehdi Imanipour, pinuno ng Islamic Culture and Relations Organization (ICRO), ginawa ang pagpapahayag sa pagsasara ng seremonya ng ika-8 edisyon ng Gantimpalang Pandaigdigan ng Arbaeen, na ginanap noong Lunes sa punong-tanggapan ng ICRO dito sa kabisera ng Iran.

Sinabi niya na ang prusisyon ng Arbaeen ay nagpapakita ng mukha Rahmani (mahabagin) ng Islam na alin sumasalungat sa mga pagtatangka ng Islamopobiko na naglalayong sirain ang mukha ng relihiyon.

Idinagdag ng kleriko na sa mundo ngayon na may tumitinding "digmaan ng mga pagsasalaysay", kailangan ng mas malakas na diin sa mga isyu katulad ng kapatiran at pagkakaibigan sa martsa ng Arbaeen.

Ang Iranianong Ministro ng Kultura at Islamikong Patnubay na si Mohammad Mehdi Esmaeili ay kabilang din sa mga kalahok sa seremonya.

Ang mga kalahok sa Ika-8 na Gantimpala na Pandaigdigan ng Arbaeen ay mula sa 20 na mga bansa.

Nagsumite sila ng mga gawa tungkol sa Arbaeen sa mga larangan katulad ng mga larawan, mga pelikula, mga paglalakbay na salaysay, mga libro at pandaigdigang media.

Inorganisa ng ICRO ang Gantimpalang Arabeen mula noong 2014 na may layuning ipakita ang mga pagpapakita ng pandaigdigang kaganapang panrelihiyon sa mundo.

Saanman hindi maiparating ng mga salita ang kadakilaan ng isang mensahe, ang pinakamahusay na kagamitan ng komunikasyon ay ang wika ng sining. Kaya naman nagpasya ang ICRO na isagawa ang pandaigdigang parangal taun-taon sa mga kategorya ng mga larawan, mga video, at mga kuwento ng paglalakbay, na may layuning maipalaganap ang mensahe ng Arbaeen at Ashura.

Ang Arbaeen, na isa sa pinakamalaking panrelihiyong pagtitipon sa mundo, ay darating 40 na mga araw pagkatapos ng Ashura, ang anibersaryo ng pagkabayani ng ikatlong Shia Imam, si Imam Hussein (AS).

Bawat taon, isang malaking pulutong ng mga Shia ang dumadagsa sa Iraqi na lungsod ng Karbala, kung saan matatagpuan ang banal na dambana ni Imam Hussein (AS), upang magsagawa ng mga rituwal ng pagluluksa sa Arbaeen.

Ang mga peregrino, pangunahin mula sa Iraq at Iran, ay naglalakbay ng mahabang ruta sa paglalakad patungo sa banal na lungsod.

Noong Setyembre 2022, isang malaking bilang ng mga tao mula sa iba't ibang mga bansa ang nakibahagi sa mga rituwal ng Arbaeen, na nagtatakda ng bagong talaan.

 

 

3482367

captcha