IQNA

Pambansang Paligsahan sa Pagsasaulo ng Qur’an sa Iraq: Ginawaran ang mga Nanalo

7:50 - February 12, 2023
News ID: 3005142
TEHRAN (IQNA) – Ang nangungunang mga nanalo sa ika-7 edisyon ng pambansang paligsahan sa pagsasaulo ng Quran sa Iraq ay pinangalanan at ginawaran sa isang seremonya noong Biyernes ng gabi.

Ang kumpetisyon ng 'Pambansang Plano ng Pagtururo ng Pagsasaulo ng Qur’an' ay inorganisa sa Sentro ng Dar-ol-Qur’an ng Najaf ng Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ng Imam Hussein (AS) sa pakikipagtulungan sa Sentro ng Dar-ol-Qur’an ng Astan sa Banal na Dambana ng Imam Ali (AS).

Ang mga kinatawan ng 12 na mga lalawigan ng Iraq, kabilang ang Najaf, Karbala, Kirkuk, Baghdad, Wasit, Maysan, Dhi Qar, Babil at Basra ay nakibahagi sa Qur’anikong kaganapan, ayon kay Karrar al-Shamari, sino siyang namamahala sa departamento ng media ng Sentro ng Dar-ol-Quran ng Astan ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS).

Sinabi niya na ang paligsahan ay ginanap sa loob ng tatlong mga araw sa Dambana ng Imam Ali (AS) sa Najaf, kung saan ang mga kalahok ay nakikipagkumpitensya sa pauna at pangwakas na mga ikot.

Nabanggit niya na naglaban sila sa apat na mga kategorya sa dalawang magkahiwalay na mga seksyon para sa mga lalaki at mga babae.

Sa kategorya ng pagsasaulo ng buong Qur’an, si Hussein Abdul Ridha mula sa Basra ang nangungunang nagwagi sa seksyon ng mga lalaki at si Layli Mohammed Ali mula sa Basra ay nauna sa seksyon ng kababaihan, sinabi niya.

Idinagdag ni Al-Shamari na sina Ridha Tali Nassir mula sa Wasit at si Maryam Tahir Ibrahim mula sa Basra ay nanalo sa pangalawang kategorya, katulad ng pagsasaulo ng 20 na mga Juz (mga bahagi) ng Qur’an, sa mga seksyon ng kalalakihan at kababaihan, ayon sa pagkakasunod.

Sa pagsasaulo ng 10 mga Juz ng Qur’an, sina Sajjad Muzhar Qassem at Zaynab Hassan Abd Abbas, parehong mula sa Basra, ay nakakuha ng pinakamataas na premyo, sabi niya.

Sinabi pa ni Al-Shammari na ang nangungunang mga nanalo sa ikaapat na kategorya, katulad ng pagsasaulo ng tatlong mga Juz ng Qur’an, ay sina Mohammad Rafid Kadhim mula sa Basra at Zaynab Haitham Awdah mula sa Baghdad.

Ang mga aktibidad ng Qur’an ay makabuluhang umunlad sa Iraq mula noong 2003 na ibagsak ang dating diktador na si Saddam Hussein.

Nagkaroon ng lumalagong kalakaran ng mga programang Qur’aniko katulad ng mga kumpetisyon, mga sesyon ng pagbigkas at mga programang pang-edukasyon na ginanap sa bansa sa nakaraang mga taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

3482425

captcha