IQNA

Astan ng Imam Hussein Nag-oorganisa ng mga Palatuntunang Qur’aniko sa Ramadan sa 10 mga Bansa

10:05 - March 31, 2023
News ID: 3005331
TEHRAN (IQNA) – Ang Astan (pangangalaga) ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS) ay nag-oorganisa ng mga programa sa pagbigkas ng Qur’an sa mapagpalang buwan ng Ramadan sa iba't ibang mga bansa.

Ang sentrong pandaigdigan para sa pagsulong ng Qur’an, na kaanib sa Astan ay may hawak na mga programa, ayon sa pinuno ng sentro na si Montazer al-Mansouri.

Sa kabuuan na 30 na mga palatuntunan ng Khatm ng Qur’an sa 10 mga bansa ang gaganapin ng sentro, sabi niya.

Ang mga kaganapang ito ay ginaganap sa Indonesia, Syria, Lebanon, Iran, Mali, Uganda, Burkina Faso, Kuwait, Australia, at Afghanistan.

Ang Ramadan ay ang ikasiyam na buwan ng kalendaryong Islamiko. Ito ay panahon ng pagdasal, pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa, at pananagutan sa sarili para sa mga Muslim sa buong mundo.

Ang Qur’an ay ipinahayag sa puso ng Banal na Propeta (SKNK) ngayong buwan.

Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay nag-aayuno (umiwas sa mga pagkain at mga inumin) mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.

Naglalaan din sila ng maraming oras sa buwang ito sa pagbabasa at pagninilay sa Qur’an.

                    

 

3482980

captcha