Sinabi rin niya na ang pagsasali sa mga Muslim habang sila ay nag-aayuno sa Ramadan ay nagpakita sa kanya ng "tunay na mukha ng Islam."
"Ang pakiramdam ng kapayapaan, ang pakiramdam ng pagkakaisa, ang pakiramdam ng pagkabukas-palad na aking nasaksihan sa mga komunidad na nagpunong-abala ng mga taong-takas, at gayundin ang katatagan, ang tapang ng mga taong-takas sila mismo ay lubos na nagbibigay inspirasyon," sinabi niya.
Ang kanyang mga pahayag ay dumating sa isang pakikipanayam sa paglilingkod ng Arabiko ng Balitang UN noong Miyerkules, bago ang kanyang pagbisita sa Somali sa susunod na linggo bilang bahagi ng taunang tradisyon ng pinuno ng UN ng pagbisita sa isang bansang karamihan ay mga Muslim sa panahon ng Ramadan.
"At nananatili itong napakahalagang inspirasyon sa lahat ng ginagawa ko ngayon, bilang Kalihim-Heneral ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations)," dagdag niya.
Tinanong tungkol sa kanyang taunang pagbisita sa mga kampo ng mga taong-takas o mga paninirahan bilang pinuno ng UNHCR, kung saan siya nag-ayuno bilang pagkakaisa, sinabi ni Guterres: “Noong ako ay naging Kalihim-Heneral, naisip ko na ang tradisyong ito ay dapat panatilihin - ngayon, hindi nakatutok sa mga komunidad ng mga taong-takas, ngunit nakatutok sa mga pamayanang Muslim na naghihirap”.
Sa Ramadan, sinabi ni Guterres: "Sa tingin ko ito na ang sandali para tayong lahat ay magkaisa para sa kapayapaan. Ang kapayapaan ay ang pinakamahalagang bagay na maaari nating magkaroon sa mundo”.