IQNA

Aling mga Bansa ang Nagpahatahayag ng Eid Al-Fitr noong Biyernes

7:57 - April 22, 2023
News ID: 3005422
TEHRAN (IQNA) – Naghahanda ang mga Muslim sa buong mundo para ipagdiwang ang isa sa kanilang pinakamahalagang mga kapistahan, ang Eid al-Fitr.

Inanunsyo ng mga bansa ang pagtatapos ng Ramadan at ang simula ng buwan ng Shawwal sa pamamagitan ng mga pagtingin sa Buwan.

Ang mga bansang gaya ng Saudi Arabia, UAE, Qatar, Kuwait, UK, at Turkey ay inanunsyo kagabi na ang Biyernes ang unang araw ng Shawwal, at samakatuwid ay Eid al-Fitr.

Ito ay habang inanunsyo ng Pakistan, Oman, at Iran ang Sabado bilang Eid al-Fitr.

Sa isang pahayag, sinabi ng tanggapan ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei na dahil hindi nakita ang buwan noong Huwebes ng gabi, ang Biyernes ay ang ika-30 araw ng mapagpalang buwan ng Ramadan.

Ang opisina ng nangungunang Shia na kleriko ng Iraq na si Ayatollah Ali al-Sistani ay naglabas din ng isang pahayag noong Huwebes, na binanggit na ang Sabado ang magiging unang araw ng Shawwal.

Tinatawag ding Kapsitahan ng Pagputol ng Pag-ayuno, ang Eid al-Fitr ay isang mahalagang panrelihiyong piyesta opisyal na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo.

Ang banal na pagdiriwang ay isang tiyak na araw kung saan ang mga Muslim ay hindi pinahihintulutang mag-ayuno.

Ipinagdiriwang ang piyesta opisyal ang pagtatapos ng 29 o 30 na mga araw ng pag-aayuno mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw sa buong buwan ng Ramadan. Ang araw ng Eid, samakatuwid, ay pumapatak sa unang araw ng buwan ng Shawwal.

Ang Eid al-Fitr ay may partikular na Salah (pagdasal na Islamiko) na alin karaniwang iniaalay sa isang bukas na lupa o isang malaking bulwagan na may dumadalo na kongregasyon.

Naniniwala ang mga Muslim na inutusan sila ng Diyos, kagaya ng binanggit sa Qur’an, na ipagpatuloy ang kanilang pag-aayuno hanggang sa huling araw ng Ramadan at magbayad ng Zakat al-Fitr - isang rituwal na pag-aalay - bago mag-alay ng mga pagdasal sa Eid.

                         

 

3483295

captcha