IQNA

Hindi Pinahihintulutang Pumasok sa Mekka ang mga Residenteng Walang Pahintulot Habang Papalapit ang Panahon ng Hajj

4:10 - May 16, 2023
News ID: 3005520
TEHRAN (IQNA) – Ang mga residenteng walang pahintulot sa pagpasok ay ibabalik mula sa mga pook na pinamahalaan ng seguridad sa mga kalsadang patungo sa banal na lungsod ng Mekka mula Lunes.

Ito ay inihayag ng Pangkalahatang Patnugutan ng Pampublikong Seguridad.                     

Dumating ito sa pagpapatupad ng mga tagubilin para sa pag-aayos ng Hajj, na alin nangangailangan ng mga residenteng gustong pumasok sa Mekka upang makakuha ng pahintulot mula sa karampatang mga awtoridad, sinabi ng Pampublikong Seguridad.

Ang mga tagubilin sa namamahala sa Hajj ay nagsasaad ng pagpapabalik ng mga sasakyan at mga taong pinaalis sa kanilang sariling bansa na mga residente sa kanilang pinanggalingan maliban sa mga kaso ng mga nagtatrabaho sa mga banal na lugar at may mga pahintulot sa pagpasok na inisyu ng karampatang awtoridad, ang mga may hawak na kard ng pagkakakilanlan ng residente na ibinigay sa banal na kabisera, o isang pahintulot sa Umrah o Hajj.

Samantala, ang Pangkalahatang Patnugutan ng mga Pasaporte ay nagsimula nang tumanggap ng mga aplikasyon para sa pag-isyu ng permiso sa pagpasok sa banal na lungsod sa elektronikong paraan para sa domestikong mga manggagawa at hindi mga miyembro ng pamilyang Saudi, mga manggagawang naninirahan sa mga establisyimento na nakabase sa Mekka, mga may hawak na visa na manggagawang pangpanahon at mga kontratista sa mga establisyimento na nakarehistro sa sistemang “Ajeer”, para sa panahon ng Hajj 1444 AH.

Ang paglingkod ay naglalayon na mapadali ang mga pamamaraan para sa mga benepisyaryo, paikliin ang oras at makatipid ng pagsisikap, dahil ang plataporma ng “Absher na mga Indibiduwal" ay nagbibigay ng mga permiso para sa mga manggagawang domestiko at hindi mga miyembro ng pamilyang Saudi, habang ang paglingkod ng mga permiso sa pagpasok sa Mekka ay makamtan sa pamamagitan ng elektroniko “Muqeem” portal para sa lahat ng mga ahensiya.

 

 

3483574

captcha