Sa isang mensahe na inilabas sa pagsisimula ng paglalakbay ng Hajj sa Mekka, idinagdag ng Pinuno na ang pagkakaisa at ispiritwalidad ang siyang ginagarantiyahan ang materyal at espirituwal na pagsulong ng mundo ng Islam at ang pagliliwanag nito sa buong mundo.
Ang sumusunod ay ang buong teksto ng mensahe ni Imam Khamenei sa 2023 Paglalakbay ng Hajj:
Sa Ngalan ng Diyos, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain
Purihin ang Diyos, Panginoon ng mga Daigdig at ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa Dakilang Sugo ng Diyos, si Muhammad al-Mustafa at sa kanyang Purong Angkan at sa kanyang piniling mga Kasamahan.
Ang Abrahamiko na panawagan sa Hajj at ang kanyang pandaigdigan na imbitasyon ay muling natugunan ang buong mundo mula sa puso ng kasaysayan, na ginagawang sabik at nasasabik ang mga pusong handa at naaalala.
Ang paanyaya ay para sa lahat ng mga tao: "At ipahayag ang Hajj sa lahat ng mga tao" (Banal na Qur’an 22:27). Ang Kaaba ay ang pinagpalang punong-abala at isang gabay para sa lahat ng mga tao: "Katotohanan, ang unang bahay na itinayo para sa sangkatauhan ay ang nasa Bakkah [Kaaba], pinagpala at isang patnubay para sa lahat ng mga bansa" (Banal na Qur’an 3:96).
Ang Kaaba, bilang sentro at pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng lahat ng mga Muslim, at gayundin ang ritwal ng Hajj bilang isang maliit na halimbawa ng malawak na pagkakaiba-iba ng mundong Islamiko, ay maaaring magsilbi upang iangat ang lipunan ng tao at mapabuti ang kalusugan at seguridad ng lahat ng mga tao. Maaaring pagpalain ng Hajj ang lahat ng sangkatauhan ang espirituwal at moral na kataasan, at ito ang mahalagang pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.
Maaaring ipawalang-bisa at gawing hindi epektibo ng Hajj ang lahat ng mga plano ng Arogante na mga Kapangyarihan at Zionismo para sa moral na pagbagsak ng sangkatauhan - ngayon at sa hinaharap.
Na kung saan ay isang kinakailangang kondisyon para sa paglitaw ng pangkalahatang epekto na ito ay na bilang isang unang sukatan ang mga Muslim mismo sa kanilang sarili ay nararapat na marinig nang maayos ang nagbibigay-buhay na mensahe ng Hajj at gawin ang kanilang makakaya upang maipatupad iyon.
Ang dalawang pangunahing mga pundasyon ng mensaheng ito ay "pagkakaisa" at "espiritwalidad." Ang pagkakaisa at ispiritwalidad ang siyang nagbibigay garantiya sa materyal at espirituwal na pagsulong ng mundo ng Islam at ang pagliliwanag nito sa buong mundo. Ang pagkakaisa ay nangangahulugan ng pagiging konektado kapwa sa intelektwal at sa pagsasanay. Nangangahulugan ito na ang mga puso, mga pag-iisip, at mga oryentasyon ay magkakalapit. Nangangahulugan ito ng isang synergy sa agham at karanasan. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng ugnayan sa ekonomiya sa pagitan ng mga bansang Islamiko. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng tiwala at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga pamahalaang Muslim. Nangangahulugan ito ng pagtutulungan laban sa karaniwan at tiyak na mga kaaway. Ang pagkakaisa ay nangangahulugan na ang mga pakana na pinaplano ng kaaway ay hindi maaaring magtakda ng mga denominasyon ng Islamiko, mga bansa, mga lahi, mga wika, at magkakaibang kultura ng mundong Islamiko laban sa isa't isa.
Ang pagkakaisa ay nangangahulugan na ang mga bansang Muslim ay dapat magkakilala, hindi sa pamamagitan ng mga panunulsol na paglalarawan ng kaaway, ngunit sa pamamagitan ng komunikasyon, diyalogo, at pakikipag-ugnayan. Dapat nilang malaman ang potensiyal at kakayahan ng isa't isa at gumawa ng mga plano upang makinabang mula sa kanila.
Ang pagkakaisa ay nangangahulugan na ang mga siyentipiko at mga unibersidad ng mundong Islamiko ay nagtutulungan, ang mga iskolar ng mga paaralang Islamiko ay tumitingin sa isa't isa nang may mabuting loob at may pagpaparaya at patas, at nakikinig sila sa mga salita ng isa't isa. Ang intelektwal na mga elite sa lahat ng mga bansa at ng lahat ng mga denominasyon ay nagpapakilala sa mga tao sa pagkakatulad ng bawat isa, at hinihikayat ang magkakasamang mamuhay at pagkakapatiran.
Ang pagkakaisa ay nangangahulugan din na ang mga pinuno sa pampulitika at pangkultura sa mga bansang Islamiko ay dapat ihanda ang kanilang mga sarili sa isang koordinadong paraan para sa sitwasyong iiral sa paparating na kaayusan ng mundo. Kailangan nilang matukoy sa kanilang sariling mga kamay at sa kanilang sariling kalooban ang tamang lugar para sa Islamikong Ummah sa bagong pandaigdigang karanasan, na puno ng mga pagkakataon at mga pagbabanta. Hindi nila dapat hayaang maulit ang mapait na karanasan ng pampulitika at teritoryo pagpaplano ng Kanlurang Asya sa kamay ng mga pamahalaang Kanluranin pagkatapos ng [World War I (WWI)].
Ang ispiritwalidad ay nangangahulugan ng pagsusulong ng etika sa relihiyon. Ang pagka-akit ng "etika minus relihiyon," na alin matagal nang isinusulong ng intelektwal na mga mapagkukunan ng Kanluran, ay nagresulta sa walang pigil na pagbagsak na ito ng etika sa Kanluran na nasasaksihan ng lahat sa mundo. Ang ispiritwalidad at etika ay dapat na matutunan mula sa mga ritwal ng Hajj, mula sa pagiging simple na umiiral sa Ihram, mula sa pagtanggi sa ilusyon na mga pribilehiyo, mula sa "pagpapakain sa mga dukha at nangangailangan," mula sa "walang pakikipagtalik, masasamang salita, o pagtatalo,” mula sa pag-iikot ng buong Ummah sa paligid ng sentro ng monoteismo, mula sa Pagbato ng Diyablo [shaytān], at mula sa Pagtatakwil ng mga Politiyesta [mushrikīn].
Mga kapatid ko sino nagsasagawa ng Hajj! Samantalahin ang pagkakataon na ibinibigay ng Hajj upang pagnilayan at pag-isipan ang mga lihim at mga misteryo nitong walang kapantay na obligadong aksyon at gawin itong baon sa natitirang bahagi ng inyong buhay. Sa sandaling ito sa panahon at higit pa kaysa sa nakaraan, ang pagkakaisa at espirituwalidad ay napapailalim sa awayan at sabotahe ng Arogante na mga Kapangyarian at Zionismo. Ang US at iba pang mga sentro ng Pagmamataas ay mahigpit na sumasalungat sa pagkakaisa ng mga Muslim, sa pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa, at mga pamahalaang Islamiko, at sa pagiging relihiyoso at pangako sa relihiyon ng nakababatang mga henerasyon sa mga bansang ito. Matindi ang kanilang pagtutol sa mga ito at lalabanan nila ang mga ito sa anumang paraan na kanilang makakaya. Tungkulin nating lahat, tungkulin ng lahat ng mga bansa, at tungkulin ng ating mga pamahalaan na manindigan laban sa masamang pakana ng US at Zionista na rehimen.
Humingi ng tulong sa Diyos na Nakakaalam-sa-lahat, Makapangyarihan-sa-lahat. Palakasin ang diwa ng "Pagtatakwil ng mga Politiyesta" sa inyong sarili, at obligahin ang inyong sarili na palaganapin at palakasin ang diwang ito sa kapaligiran kung saan kayo nakatira.
Hinihiling ko sa Makapangyarihang Diyos na pagkalooban kayong lahat na mga Iranian at hindi-Iraniano na mga peregrino, tagumpay at isang tinanggap at pinagpalang Hajj, at nais ko para sa inyong lahat ang tinanggap na mga panalangin ng dakilang Naiiwang-bakas ng Allah na natitira sa lupa [Imam Mahdi (aj)] – nawa’y isakripisyo ang ating mga kaluluwa para sa kanya.
Sumainyo nawa ang pagbati at awa ng Diyos.
Sayyid Ali Khamenei
Dhu al-Hijjah 6, 1444
Hunyo 25, 2023