IQNA

Lalaking Pinatahimik ng Pulisya ng Sweden dahil sa Pagprotesta sa Pagsunog ng Qur’an: Ulat

16:29 - August 26, 2023
News ID: 3005940
STOCKHOLM (IQNA) – Isang lalaki na nagpoprotesta laban sa pagsunog ng Qur’an ng isang ekstremista sa harap ng Moske ng Stockholm ay iniulat na hinarap sa pamamagitan ng mga simpleng nakadamit na pulis.

Si Kais Tunisia, isang Muslim, ay nagpapahayag ng kanyang galit sa isang ekstremista sino lumapastangan sa banal na aklat ng Muslim nang siya ay lapitan ng mga pulis.

Sinabi ni Tunisia na ginagamit niya ang kanyang kalayaan sa pagpapahayag, ngunit binalaan siya ng pulisya na huwag magtaas ng kanyang boses. Dagdag pa niya, nagulat siya sa ugali ng pulis at kinondena ang kanilang reaksyon.

"Dinala nila ang panunukso sa harap ng aming moske, at binigyan nila siya ng megaphone. Narinig namin ang kanyang mga pang-iinsulto ... Nang mag-reak kami dito, natanggap namin ang reaksyon ng pulis. Kinukundena ko rin ito," sinabi niya sa Ahensiya ng Anadolu noong Huwebes.

Ang Taong Naglapastangan sa Qur’an na kinilalang si Salwan Momika ay umalis sa pinangyarihan sakay ng nakabaluti sasakyan ng pulis, na sinamahan ng humigit-kumulang 20 na mga sasakyan ng pulis at 100 mga opisyal ng pulis.

  • Sweden: Nagdaos ng Pagtipun-tipunin ang mga Muslim, Kinondena ang ‘Islamopobiko’ na Pagsunog ng Qur’an

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinuntarya ni Momika ang Qur’an sa Stockholm. Nagsagawa siya ng katulad na mga gawain sa nakalipas na ilang mga linggo, sa tulong ng isa pang ekstremista na nagmula sa Iraq, si Salwan Najem.

Ang mga pangyayari ng pagsunog ng Qur’an ay nagdulot ng galit sa mga bansang Muslim at sa Unyong Uropiano, kung saan miyembro ang Sweden. Tinuligsa nila ang mga pag-atake sa kabanalan ng Qur’an bilang Islamopobiko at panunuksa.

 

3484915        

captcha