IQNA

Moske ng Al-Aqsa: Bumubuhos ang mga Pagkondena Kasunod ng Pinakabagong Paglusob ng Israel

10:42 - September 21, 2023
News ID: 3006048
AL-QUDS (IQNA) – Binatikos ng ilang Muslim na mga estado ang pinakabagong paglusob ng Israeli na mga dayuhan sa Moske ng al-Aqsa sa ilalim ng proteksyon ng mga puwersa ng pananakop.

Sa kamakailang pangyayari noong Linggo, humigit-kumulang 430 na ekstremista mga dayuhan ang nagsagawa ng hindi awtorisadong panghihimasok sa mga patyo ng banal na bakuran sa sinasakop na Jerusalem, na nagmarka ng isa pang paglabag sa isa sa pinakasagradong mga lugar ng Islam.

Noong Martes, ang United Arab Emirates (UAE) ay naglabas ng pormal na pagkondena sa gawain na ito, na muling nagpapatibay sa paninindigan nito sa kinakailangang pangangailangang tiyakin ang kumpletong pagtatanggol ng Moske ng al-Aqsa at upang maiwasan ang anumang nakakapukaw na mga paglabag sa loob ng lugar nito. Sa isang opisyal na pahayag na inilabas ng kagawaran ng panlabas ng UAE, lalong lalo na binigyang-diin ang pagtataguyod ng tungkulin sa pangangalaga ng Hashemite na Kaharian ng Jordan hinggil sa banal na mga lugar at mga pinagkakaloob, alinsunod sa pandaigdigan na batas.

Binigyang-diin din ng pahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa awtoridad ng Pamamahala ng Pinagkakaloob na Jerusalem at Moske ng Al Aqsa. Higit pa rito, nanawagan ang kagawaran sa mga awtoridad ng Israel na tanggapin ang responsibilidad para sa pagpapababa ng kalagayan at pagwawakas sa anumang mga aksiyon na maaaring magpalala ng mga tensiyon.

Noong Lunes, pinabulaanan ng Kagawaran ng Panlabas ng Saudi ang mga aksiyon ng mga puwersang Israeli bilang "isang tahasang paglabag sa lahat ng pandaigdigan na mga pamantayan at mga kumbensiyon, at isang pagpukaw sa damdamin ng mga Muslim sa buong mundo." Pinanagutan ng kagawaran ang mga puwersa ng Israel para sa mga potensiyal na kahihinatnan ng kanilang patuloy na mga paglabag at nanawagan sa pandaigdiigan na komunidad na tuparin ang mga tungkulin nito upang mabawasan ang kalagayan, pangalagaan ang mga populasyon ng sibilyan, at gumawa ng taimtim na pagsisikap na wakasan ang labanan.

Kasabay nito, hinimok ng Ehiptiyano na Kagawaran na Panlabas ang mga awtoridad ng Israel na "agad na itigil ang anumang mga aksiyon na makapukaw ng damdamin ng milyun-milyong mga Muslim sa buong mundo at mag-udyok ng karahasan sa sinasakop na mga teritoryo ng Palestino."

Samantala, ang Kagawaran na Panlabas ng Jordan ay nagpahayag ng matinding pagkondena noong Linggo hinggil sa panghihimasok ng ekstremistang mga indibidwal. Ang pahayag ng kagawaran ay nagpahayag na ang mga pagkilos na ito ay bumubuo ng isang paglabag sa makasaysayang at legal na kalagayan na namamahala sa Moske ng al-Aqsa at kumakatawan sa isang paglapastangan sa sagradong mga lugar. Ang tagapagsalita ng Kagawaran na si Sanan Al-Majali ay nanawagan sa rehimen na itigil ang lahat ng naturang mga aktibidad at mga paglabag laban sa moske at ipakita ang paggalang sa kabanalan nito.

 

3485232

captcha