IQNA

Itinataguyod ng mga Iskolar na Muslim ang Kultura ng Pagkakasamang Pamumuhay: Kilalang Tao na Tsino na Muslim

14:33 - October 04, 2023
News ID: 3006104
TEHRAN (IQNA) – Itinataguyod ng mga iskolar na Muslim ang kultura ng pagkakasamang pamumuhay at pagpaparaya, sinabi ng pinuno ng Islamikong samahan ng Tsina.

Si Jo Ping Ma, sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon ng Ika-37 na Pagtitipon ng Pagkakaisa na Islamiko, ay nagsabi na ang mga iskolar ay nagtataguyod ng magkakasamang mamumuhay sa pagitan ng Muslim at hindi-Muslim na komunidad sa Tsina.

Tinukoy niya ang higit sa tatlong mga siglo ng Islam sa Tsina at sinabi, "Ang Islam ay pumasok sa Tsina sa unang anim na mga dekada at naging isang pangunahing pananampalataya sa bansa."

Tinukoy din ni Jo Ping Ma ang mga pagsisikap ni Confucius na manaig ang kanyang mga prinsipyo sa Tsina kahit na ipinakilala rin ng mga Muslim ang kanilang mga paniniwala sa panrelihiyon ayon sa Banal na Qur’an.

Pinuno ng Islamikong asosasyon ng Tsina nagtalumpati sa Ika-37 Pagtitipon ng Pagkakaisang Islamiko na ginanap sa Tehran noong Linggo ng umaga.

Ang Ik-37 na Pagtitipon ng Pagkakaisang Islamiko na Pandaigdigan, na alin gaganapin nang personal at onlayn, ay pinasinayaan sa pagbigkas ng ilang mga talata mula sa Banal na Qur’an sa Bulwagan ng Pagtitipon saTehran.

Mahigit sa 200 na Iraniano at dayuhang mga intelektuwal at panrelihiyong kilalang mga tao mula sa iba't ibang mga bansang Muslim ang lumahok sa kumperensiya, na inorganisa ng World Forum for Proximity of Islamic Schools of Thought. Ang kaganapan ay magtatapos sa Oktubre 3.

  • Pagpapalaya ng Quds Pangunahing Palatandaan ng Pagkakaisa ng Muslim: Pangulo ng Iran

Ang onlayn na bahagi ng kumperensiya ay nagsimula noong Huwebes, Setyembre 28.

Ang ika-17 araw ng Rabi al-Awwal, na alin pumapatak sa Oktubre 3 sa taong ito, ay pinaniniwalaan ng mga Shia Muslim na markahan ang anibersaryo ng kapanganakan ni Propeta Mohammad (SKNK), habang itinuturing ng mga Sunni Muslim ang ika-12 araw ng buwan (Setyembre 28) bilang ang kaarawan ng huling propeta.

Ang agwat sa pagitan ng dalawang mga petsa ay ipinagdiriwang taun-taon bilang Linggo ng Pagkakaisang Islamiko.

Ang yumaong Tagapagtatag ng Islamikong Republika ng Iran na si Imam Khomeini (RA) ay idineklara ang okasyon na Linggo ng Pagkakaisang Islamiko noong 1980s.

 

3485396

captcha