IQNA

Kilalang mga ng Qur’an/51 Hazrat Zahra; Isang Tunay na Babaeng Muslim

15:43 - October 09, 2023
News ID: 3006121
TEHRAN (IQNA) – Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunang Islamiko at iyan ang dahilan kung bakit sa Banal na Qur’an at mga salita ng Banal na Propeta (SKNK) ay may espesyal na pansin sa mga kababaihan at nagpakilala sila ng mga halimbawa ng mga natatanging kababaihan.

Si Hazrat Fatimah Zahra (SA) ay isa sa huwarang mga kababaihan. Siya ay anak ni Muhammad (SKNK) at Khadijah (SA). Siya ay ipinapanganak noong ika-11 taon sa kalendaryong lunar na Hijri (632). Kawthar, Seddiqah, at Batoul ang kanyang mga pangalan.

Mahal na mahal siya ng Banal na Propeta (SKNK) kaya sinabi niya, “Katotohanan, si Fatimah ay bahagi ng aking katawan. Kung sino man ang nanakit sa kanya, ako ang sasaktan."

Ginawa ng Propeta (SKNK) ang pahayag na ito noong panahong itinuturing ng mga tao na isang kahihiyan ang pagkakaroon ng isang babae at nang ipinanganak ang isang batang babae, inilibing nila ito ng buhay. Matapos ipanganak si Hazrat Zahra (SA), ipinakilala ng Banal na Propeta (SKNK) ang tunay na katayuan ng batang mga babae at mga kababaihan sa mga tao at pagkatapos nito, ang batang mga babae ay hindi na inilibing ng buhay.

Si Hazrat Zahra (SA) ay nasa tabi ng kanyang ama sa lahat ng kahirapan at mga pagsubok. Kahit sa mga labanan, inalagaan niya ang kanyang ama. Matapos pakasalan si Ali ibn Abi Talib (AS), tumaas ang kanyang pagtatanggol sa pangunahing mga prinsipyo ng Islam.

Gayunpaman, itinuring ng ilang mga kaaway ng Islam, upang kutyain ang Propeta (SKNK), ang pagkakaroon niya ng anak na babae bilang isang kapintasan at tinawag siyang walang inapo. Kaya nga ang Surah Al-Kawthar ay ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).

  • Ang Sambahayan ng Banal na Propeta sa Qur’an

Ang ibig sabihin ng Kawthar ay masaganang kabutihan at ang mga tagapagkahulugan ng Qur’an ay nag-alok ng iba't ibang mga pananaw sa kung ano ang tinutukoy nito. Ang ilan ay nagsasabing tungkol sa katayuan ng pagkapropeta, habang ang iba ay nag-iisip na ito ay tumutukoy sa Banal na Qur’an, kaalaman, isang ilog sa paraiso, mga kaibigan, atbp. Gayunpaman, karamihan sa mga tagapagkahulugan ng Qur’an ay naniniwala na ang Kawthar ay tumutukoy kay Hazrat Zahra (AS) at sa kanyang mga anak.

Bilang karagdagan sa mga talata ng Surah na ito, may iba pang mga talata sa Qur’an na nagbibigay-diin sa katayuan ng Hazrat Zahra (SA). Isa sa mga ito ay ang Talata 61 ng Surah Al Imran, na alin kilala bilang Talata ng Mubahilah at tumutukoy sa Banal na Propeta (SKNK) at sa kanyang sambahayan. Si Hazrat Zahra (SA) ang tanging babae sa kanila. Ang isa pa ay ang Talata 33 ng Surah Al-Ahzab, na alin kilala bilang Talata ng Tat'hir (pagdalisay) at binibigyang-diin ang kadalisayan ng sambahayan ng Banal na Propeta (SKNK).

Ang Hazrat Zahra (SA) ay isang halimbawa at isang huwaran para sa aktibong presensiya ng mga kababaihan sa pamilya at lipunan. Sinamahan at tinulungan niya ang kanyang ama at ang kanyang asawa sa mga kahirapan at mga pagsubok at nagkaroon ng iba't ibang mga aktibidad sa lipunan at pulitika. Kung gusto nating makilala ang isang tunay na babaeng Muslim, ang pagbabasa ng kuwento ng buhay ni Hazrat Zahra (SA) ay tiyak na magiging pinakamahusay na pagpipilian.

 

3485470

captcha