IQNA

Mga Iskolar, Itinatakda ang Landas para sa Pagbabagong-Muslim sa mga Kumperensiya sa Doha

2:01 - October 06, 2025
News ID: 3008932
IQNA – Dalawang pandaigdigang pagtitipon sa Doha, na pinangunahan ng Kagawaran ng Awqaf at ng Unibersidad ng Qatar, ang nagtapos na may matatag na layunin para sa intelektwal at espiritwal na pagbabago sa mundo ng mga Muslim.

The First Forum of “Kitab al-Ummah” Writers and the Conference on the Quran and Human Knowledge were held in Doha, Qatar on October 1-2, 2025.

Ang Kagawaran ng Awqaf at Islamikong mga Kapakanan, sa pamamagitan ng Departamento ng Pagsusuri at Islamikong Pag-aaral, ay nakipagtulungan sa Ibn Khaldun Center for Humanities and Social Sciences ng Unibersidad upang ayusin nitong nakaraang linggo ang dalawang pangunahing pandaigdigang kumperensiya: ang Unang Pagtitipon ng mga Manunulat ng “Kitab al-Ummah” at ang Kumperensiya hinggil sa Quran at Kaalamang Pantao.

Itinampok ng dalawang mga kaganapan ang patuloy na papel ng kaisipang Islamiko sa paghubog ng makabagong diskurso sa kultura, intelektwalismo, at edukasyon, na dinaluhan ng maraming mga mananaliksik at mga iskolar mula sa iba’t ibang mga bahagi ng mundong Islamiko.

Walong kilalang mga iskolar at mga tagapag-ambag sa seryeng Kitab al-Ummah ang nagsuri sa intelektwal na pamana ng koleksyon, na sumasaklaw sa mahigit apat na mga dekada.

Ang mga talakayan ay nakatuon sa apat na pangunahing mga tema: muling pagbubuo ng personalidad ng Muslim batay sa mga pagpapahalagang Islamiko, intelektwal na pagbabago para sa makabagong Muslim, pagpapasigla ng kamalayan sa pamamagitan ng ipinahayag na karunungan, at paglinang ng isang may kakayahang elitistang pangkat.

 

3494854

captcha