IQNA

Ahl-ul-Bayt; Mga Liwanag ng Patnubay/2 Ang Papel ni Imam Sadiq sa Pag-unlad, Ebolusyon ng Kaalaman

15:14 - October 13, 2023
News ID: 3006138
TEHRAN (IQNA) – Hinati ni Imam Sadiq (AS) ang mga agham ng Islam sa iba't ibang mga larangan katulad ng Fiqh (hurisprudensiya), teolohiya, Hadith, pagpapakahulugan ng Qur’an, atbp, at nagtatag ng agos ng pag-unlad ng kaalaman.

Ito ay ayon kay Mohammad Sadeq Elmi, na nagsasalita sa IQNA tungkol sa papel ni Imam Sadiq (AS) sa pagpapaunlad ng kaalaman. Ang mga sumusunod ay mga sipi mula sa kanyang mga pahayag:

Ang unang apat na Shia Imam (AS) ay nahaharap sa mga paghihigpit at mga panggigipit, ngunit ang mga panggigipit at mga paghihigpit na ito ay bumaba sa panahon nina Imam Baqir (AS) at Imam Sadiq (AS). Kaya pagkatapos ng pagkapinuno [imamah] ni Imam Baqir (AS) isang natatanging pagkakataon, mula sa aspetong politikal, ang lumitaw para sa mga Shia at sa panahong ito, sinanay ni Imam Sadiq (AS) ang maraming mga mag-aaral sa iba't ibang mga larangan ng kaalaman.

Sinanay niya ang mga 4,000 na mga mag-aaral sa iba't ibang mga larangan. Kabilang sa kanila ay sina Hisham sa teolohiya at Zararah at Muhammad ibn Muslim sa Hadith.

Bago ang Imam Sadiq (AS), ang mga larangan ng kaalaman ay halo-halong at walang klasipikasyon ng mga ito. Hindi malinaw kung sino ang guro ng Hadith, Tafsir (pagpapakahulugan ng Qur’an), teolohiya, atbp. Ang pag-uuri ng mga agham, na alin tinatawag nating pag-unlad ng kaalaman ngayon, ay naganap sa panahon ni Imam Sadiq (AS) at ang unibersidad ng mga agham ng Islam ay nahahati sa iba't ibang mga kakayahan katulad ng Fiqh, teolohiya, Hadith, Tafsir, atbp.

  • Imam Sadiq; Isang Taong Pangpandaigdigan

Si Jabir ibn Hayyan ay isa sa mga mag-aaral ni Imam Sadiq (AS). Sumulat siya ng higit sa 1,200 na mga treatise at mga artikulo sa larangan ng pisika, kimika at iba pang mula sa obserbasyon na mga agham.

Si Ibn Nadim ay isa pang mag-aaral ng Imam (AS) sino nag-uuri ng mga agham sa kanyang tanyag na gawaing Al-Fihrist. Sa aklat na ito, sinabi ni Ibn Nadim sa tuwing nagsasalita si Jabir ibn Hayyan tungkol sa mga isyung pang-agham at pang-iskolar ay sasabihin niyang narinig niya ito mula kay Imam Sadiq (AS).

Si Abu Hanifah, sino kilala sa apat na mga paaralan ng pag-iisip ng Sunni bilang "Imam Azam" ay isa ring mag-aaral ng ikaanim na Shia Imam (AS). Si Abu Hanifah ay guro rin ng iba pang mga imam ng mga paaralang Sunni at, sa gayon, ang mga imam na ito ay hindi tuwirang mga mag-aaral rin ni Imam Sadiq (AS).

Madalas sabihin ni Abu Hanifah: "Kung hindi dahil sa dalawang mga taon na iyon (ng pagiging disipulo sa ilalim ni Imam Sadiq), namatay na sana si Nu'man (Abu Hanifa).

Ang pagsasanay ng napakaraming mga mag-aaral at pag-imbita sa kanila sa mga pagtatalo at ang katotohanan na si Abu Hanifah at iba pang dakilang mga tauhan ng Sunni ay nagsalaysay ng mga Hadith mula kay Imam Sadiq (AS) ay pawang mga palatandaan ng mabuti at palakaibigang ugnayan ng Imam (AS) sa mga Sunni.

Sa pangkalahatan, maraming mga Hadith mula kay Imam Sadiq (AS) tungkol sa malapit at magiliw na ugnayan sa mga Sunni.

Ang aklat na "Ang Utak ng Mundo ng Shia", na isinulat tungkol kay Imam Sadiq (AS) ng sampu-sampung mga iskolar na hindi Muslim sa Kanluran, ay kinabibilangan ng mga artikulong tumatalakay sa mga siyentipikong turo ni Imam Sadiq (AS) na ipinakita sa isang seminar sa Pransiya.

Inirerekomenda kong basahin ang aklat na ito, na alin inendorso ng dakilang tao ng Shia na si Imam Musa

                                                     

3485525

captcha