IQNA

Landas ng Paglago/4 Alin ang May Unang Pangunguna: Edukasyon o Tarbiyah?

11:55 - November 14, 2023
News ID: 3006261
TEHRAN (IQNA) – Ang Ta’leem (edukasyon) at Tarbiyah (pag-unlad ng pag-ugali at pagsasanay ng mga tao sa iba’t ibang aspeto) ay dalawa sa mga layunin ng mga banal na propeta.

Ngayon alin ang may unang pangunguna?                                 

Sa apat na mga talata ng Banal na Qur’an, ang isyu ng Ta'leem at Tarbiyah ay binanggit bilang layunin sa likod ng Bi'tha (paghirang sa pagkapropeta) ng banal na mga mensahero. Sa tatlong mga kaso (Talata 151 ng Surah Al-Baqarah, Talata 164 ng Surah Al Imran at Talata 2 ng Surah Al-Jumua), ang Tarbiyah at Tazkiyah (pagdalisay ng sarili) ay binibigyan ng unang pangunguna sa Ta’leem.

Ang dahilan kung bakit binibigyan ng unang pangunguna ang Tazkiyah sa mga talatang ito ay ang Tazkiyah at Tarbiyah ang pinakahuling layunin ng misyon ng propeta.

Magbasa pa:

  • Kahulugan ng Tarbiyah

Posibilidad ng Tarbiyah

Ang landas ng Tarbiyah, pagsasanay sa Nafs (sarili) at pagdadalisay nito ay isa sa pagsusumikap at paggawa. Kung walang pagsisikap, hindi makokontrol ng isang tao ang Nafs. Ang ilang tamad na mga tao na gumugugol ng oras nang walang kabuluhan at tumakas mula sa Jihad laban sa Nafs ay nagsasabi na ang pagwawasto ng katangian ay imposible at ang likas na mga gawain ay hindi mababago. Para patunayan ang kanilang pag-angkin, binanggit nila ang dalawang dahilan:

1- Ang pag-ugali ay ang panloob na anyo habang ang paglikha ay ang panlabas na anyo at kung paanong ang panlabas na anyo ay hindi nababago, gayundin ang pag-ugali.

2- Ang mabuting kaugalian ay makakamit kung ang isang tao ay nagtagumpay sa pag-alis ng galit, pagnanasa, makamundong pagnanasa at mga katulad nito, na alin imposible at ang paggawa nito ay walang silbi.

Bilang tugon sa gayong mga tao, dapat sabihin na kung ang pag-ugali ay hindi mababago, napakaraming moral na mga tagubilin, patnubay at mga aral ay walang kabuluhan.

Gayundin, sinabi ng Diyos sa mga Talatang 9-10 ng Surah Ash-Shams: "Yaong mga nagpapadalisay sa kanilang mga kaluluwa ay tiyak na magkakaroon ng walang hanggang kaligayahan at yaong mga nagpapasama sa kanilang mga kaluluwa ay tiyak na pagkakaitan (ng kaligayahan)."

Kaya paano maniniwala ang isang tao na ang sangkatauhan ay hindi makakatanggap ng Tarbiyah?

 

3485995

captcha