IQNA

Kaugnayan sa Pagitan ng Taqwa, Pagpipigil sa Sarili Ayon sa Qur’an

15:59 - January 21, 2024
News ID: 3006527
IQNA – Ang Taqwa (may takot sa Diyos) ay isang uri ng natatangi na proteksyon ng Nafs (sarili), na alin tinatawag ding pag-iingat sa banal na kanlungan.

Nangangahulugan ito na pinoprotektahan ng Taqwa ang isang tao mula sa banal na galit at kaparusahan. Samakatuwid, iyon ay nauugnay sa pagpipigil sa sarili.

Isa sa mga paniniwala ng Islam na nagtatakda ng saligan para sa pagsasakatuparan ng pagpipigil sa sarili ay ang paniniwala sa dignidad at halaga ng sangkatauhan dahil kung napagtanto ng isang tao ang kanyang matayog na katayuan at ang kanyang dignidad, hindi siya masisiyahan sa hindi karapat-dapat at masasamang mga bagay. Sa kabilang banda, ang isang taong hindi itinuturing ang kanyang sarili na karapat-dapat at marangal ay sasang-ayon sa anumang kahihiyan at ang iba ay hindi rin maliligtas sa kanyang mga bisyo.

Ang Banal na Qur’an ay nagtataglay ng sangkatauhan sa napakataas na katayuan, isang bagay na hindi natin nakikita sa ibang mga paaralan. Ang Qur’an ay nagpapaalala sa sangkatauhan na siya ay pinarangalan ng Diyos at maaaring maabot ang isang katayuan na walang anghel magawa. “Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan, dinala sila sa lupa at dagat, binigyan sila ng dalisay na pagkain at itinaas sila sa karamihan ng Aking mga nilalang.” (Talata 70 ng Surah Al-Isra)

Ang dignidad ng tao ay likas sa kanyang nilikha. Ito ay dahil sa kanyang nilikha, talino, at kakayahan gayundin sa banal na pamumuno at pagkakaroon ng mga pinunong hindi nagkakamali.

Makakamit din ang dignidad ng tao. Ang natatanging dignidad ng mga taong may Taqwa ay isang halimbawa. Sinabi ng Diyos sa Talata 13 ng Surah Al-Hujurat: “Ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Diyos ay ang pinaka-matuwid sa inyo. Ang Diyos ay Ganap na Nakaaalam at Nakababatid sa Lahat.”

Magbasa pa:                                                                             

  • Konsepto ng Pagpipigil sa Sarili sa Qur’an

Kaya pagkatapos ng unang pamantayan, na alin ang paglikha, ito ay ang Taqwa na siyang pamantayan para sa kataasan at dignidad ng tao. Ang nakuhang dignidad na ito ay maituturing na isa sa pinakamahalagang resulta ng pagpipigil sa sarili.

Ang Taqwa, na alin madalas na binabanggit sa Qur’an bilang isang halaga at pinagmumulan ng maraming iba pang mga halaga, ay isang uri ng natatangi na proteksyon ng Nafs. Ang pagpipigil sa sarili ay isa ring uri ng pangangalaga sa sarili.

 

3486869

captcha