IQNA

Nagpapatuloy ang mga Klase sa Pagsasaulo ng Quran sa Gaza sa Kabila ng mga Paghihigpit

2:09 - December 12, 2025
News ID: 3009178
IQNA – Sa kabila ng mga paghihigpit at kakulangan ng mga pasilidad, patuloy pa ring interesado ang mga naninirahan ng Gaza sa pag-aaral at pagsasaulo ng Quran, at sila ay dumadalo sa mga sentro ng Quran, mga sesyon na pag-aaral, at mga klase sa pagsasaulo.

Quran Memorization Classes Continue in Gaza despite Restrictions

Ang sistematikong pagkawasak ng mahigit 1,100 na mga moske sa panahon ng digmaan ng Israel laban sa Gaza Strip ay hindi nagpahina sa loob ng mga tao sa Gaza, at hindi nila nawala ang kanilang sigasig sa pag-aaral ng Quran.

Muling ipinagpatuloy ng Sentrong Quraniko na Aisha sa Lungsod ng Gaza ang mga gawain nito at nagsasagawa ng mga klase sa pagsasaulo ng Quran at mga pagsasanay para sa lalaki at babaeng mga estudyante, ayon sa Al Jazeera. Ayon sa isang kawani ng sentro, sa kabila ng pambobomba at pagkakamatay ng mga residente ng Gaza, nanatili silang matatag at hindi umalis sa hilagang Gaza.

Binigyang-diin niya ang pagpapatuloy ng kanilang gawain para sa kapakanan ng mga estudyante at upang kalugdan ng Panginoon, sa kabila ng kakulangan ng espasyo at mga pasilidad dahil sa pagbabawal ng rehimeng Israel na magpasok ng kinakailangang mga kagamitan sa lugar sa panahon ng digmaan sa Gaza.

Dagdag pa ng guro sa Quran, “Umaasa kami na may tutulong sa amin sa aspetong pinansyal, at kung loloobin ng Panginoon, magiging gantimpala ito para sa amin pareho.”

Binigyang-diin ng aktibista sa Quran na sa kabila ng panganib ng pambobomba sa mga lansangan, nagmumula siya sa lugar ng Sheikh Ajlain at hindi siya napigilan ng takot upang hikayatin ang mga estudyante na magsaulo ng Quran. “Ang Diyos ang aming tagapagtanggol at kasama namin Siya,” sabi niya.

Tinukoy ni Sundus al-Khouli, isang Palestinong tagapagsaulo ng Quran, ang pagkaantala ng edukasyon at pagkawasak ng mga moske at mga paaralan sa panahon ng digmaan, at ipinaliwanag na nagsagawa ang sentro ng maliliit na sesyon sa Quran bilang kapalit ng kawalan ng mga moske at mga paaralan.

Ayon sa estudyante, sa kabila ng kaliitan ng sentro at kakulangan ng mga kagamitan, nakapagtapos ito ng ilang babaeng tagapagsaulo sa loob lamang ng isa’t kalahating taon. Sinabi niya na kinaharap niya ang ingay ng pambobomba at pagkawasak sa Gaza Strip at minsan ay nagsasara ang sentro, ngunit nagsimula siyang magsasaulo noong bata pa at natapos niyang saulohin ang buong Quran.

Nanawagan siya sa mga Muslim sa buong mundo na panghawakan ang Quran at pagdasal, binibigyang-diin na ang tagumpay ay mula sa Diyos at ang relihiyon ang nananatili sa buhay.

 

3495684

captcha