IQNA

Quran Pangunahing Pinagmumulan ng Kultura, Kabihasnan: Syriano na Dalubhasa sa Tajweed

17:20 - February 20, 2024
News ID: 3006661
IQNA – Isang dalubhasa sa larangan ng Tajweed mula sa Syria ang nagbigay-diin na ang Banal na Quran ang pinakamayamang pinagmumulan ng kultura at sibilisasyon.

Si Fatima Kazu, sino naglilingkod sa lupon ng mga hukom sa seksyon ng kababaihan ng Ika-40 na Pandaigdigan na Paligsahan sa Quran ng Iran, ay gumawa ng pahayag sa isang pakikipanayam sa IQNA, idinagdag na ang Banal na Aklat mismo ay talagang isang sibilisasyon.

Ang kilala bilang sibilisasyon ng Kanluran sa mundo ay hindi maaaring ituring na sibilisasyon, idinagdag niya.

Tinukoy ng dalubhasa ang pagsalakay sa kulturang Kanluranin at sinabing ang mga babaeng Muslim ay dapat gumamit ng mga turo sa paggawa ng sibilisasyon ng Banal na Quran at gumanap ng isang malaki at epektibong papel sa pagharap sa pagsalakay na ito.

Sa ibang bahagi ng kanyang mga pahayag, tinukoy ni Kazu ang mga aktibidad ng Quran sa Syria at sinabi sa kabila ng mga taon ng militansiya na suportado ng dayuhan, ang mga aktibidad na ito ay karaniwan at sikat sa bansa at ang mga taong Syriano ay may malalim na kaugnayan sa Banal na Aklat.

Si Kazu, sino may BA sa Wika at Panatikan ng Pransiya, ay nagsimulang mag-aral ng Quran at mga agham na Quraniko pagkatapos ng pagsiklab ng digmaang sibil noong 2011.

Matapos matutunan ang mga kasanayan sa Quran at maging isang dalubhasa, nagsimula siyang magturo ng mga aralin sa Tajweed at Tarteel sa mga tahanan at mga sentro ng panrelihiyon at Quran.

Sinabi niya na ang mga nag-aaral ng Quran sa Syria ay maaaring makakuha ng sertipiko sa pagbigkas o pagsasaulo pagkatapos ng tatlong mga taon ng pag-aaral at pagpasa ng pagsusulit.

Idinagdag niya na ang mga programang Quranikong para sa mga kababaihan ay karaniwan sa bansang Arabo.

Quran Main Source of Culture, Civilization: Syrian Tajweed Expert  

Tinanong tungkol sa kanyang pakikilahok sa pandaigdigang kaganapang Quraniko ng Iran bilang miyembro ng lupon ng mga hukom, sinabi ni Kazu na siya ay pinili at ipinakilala sa komite ng pag-aayos ng kanyang maesto ng Quran sa Damarcus.

Ang Ika-40 na Pandaigdigan na Paligsahan sa Quran ng Iran ay isinasagawa sa kabisera ng Tehran at tatakbo hanggang Pebrero 21.

Magbasa pa:

  • Paligsahan na Pandaigdigan sa Quran ng Iran: Mga Pagtatanghal ng mga Kalahok sa Ika-3 Araw (+Pelikula)

Mula sa mga magsasaulo at mga mambabasa ng Quran mula sa higit sa 110 na mga bansa na nagparehistro para sa paligsahan, 69 na mga talaan sa panghuli mula sa 44 na mga bansa ang nakapasok sa panghuling ikot.

Ang mga kalahok ay nakikipagkumpitensiya sa pangunahing mga kategorya ng pagbigkas ng Quran (para sa mga lalaki) at pagsasaulo ng Quran at pagbigkas ng Tateel (para sa mga lalaki at mga babae).

 

3487250

captcha