Sa UAE, ipinagbabawal na magtatag o mamahala ng anumang sentro o magturo ng Quran maliban kung kumuha sila ng kinakailangang lisensiya mula sa mga awtoridad.
Ang Pangkalahatang Awtoridad para sa Islamikong mga Gawain, mga Kaloob, at Zakat ay naglabas ng advisory sa mga mamamayan at residente ng UAE noong Linggo (Hunyo 2), na itinatampok ang mga panganib na dulot ng mga hindi lisensiyadong digital na plataporma na nag-aalok ng mga serbisyo sa pagtuturo ng Quran.
Sinabi ng samahan ng mga Gawaing Islamiko na mahalagang tiyakin ang katumpakan at kaangkupan ng relihiyosong edukasyon upang maprotektahan ang nakababatang henerasyon.
Maraming mga indibidwal na nag-aalok ng mga serbisyo sa pagtuturo ng Quran sa pamamagitan ng mga digital na plataporma ay hindi kuwalipikado at walang mga kredensiyal sa edukasyon sa relihiyon. Ito ay maaaring humantong sa maling pagtuturo, maling pagpapakahulugan sa banal na aklat, at posibleng hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga turo at mga prinsipyo ng Islam.
Ang awtoridad ay sinusubaybayan ang maraming hindi lisensiyadong mga tao na kumukuha ng mga klase, na umaakit sa mga tao gamit ang mga pang-promosyon patalastas at hinimok ang mga magulang na maging maingat.
Hinihimok silang iulat ang anumang kahina-hinala o walang lisensiyang mga aktibidad sa pagtuturo sa kinauukulang mga awtoridad upang makatulong na pigilan ang pagkalat ng mga hindi kuwalipikadong tagapagbigay ng edukasyon sa relihiyon.
Ang pakikipag-ugnayan sa mga hindi lisensiyadong tagapagturo ng pangrelihiyon ay hindi lamang naglalagay sa kanila sa panganib ng matinding legal na mga parusa kundi naglalantad din sa mga magulang sa pareho. Mahigpit na ipinagbabawal ng mga batas ng estado ang walang lisensiyang mga aktibidad sa edukasyon sa pangrelihiyon, at ang mga kahihinatnan ay hindi dapat balewalain.
Mga parusa
Alinsunod sa batas ng UAE, sinumang nagtuturo ng Quran nang hindi kumukuha ng lisensiya o permit ay dapat parusahan ng pagkakulong sa loob ng hindi bababa sa dalawang buwan at multang hindi hihigit sa Dh50,000, o ng isa sa dalawang mga parusang ito.
Ang pagpapataw ng mga parusa na itinakda sa batas ay dapat na walang pagkiling sa anumang mas matinding parusa na itinakda sa anumang iba pang batas.
Sino ang maaaring magturo?
Ang indibidwal na lisensiyadong magturo ay dapat tumupad sa sumusunod na mga kondisyon:
-Hindi sila dapat mas mababa sa (21) taong gulang
-Sila ay dapat na may mabuting pag-uugali
-Sila ay hindi dapat nasentensiyahan dati sa isang parusang naghihigpit sa kalayaan para sa isang mabigat na kasalanan o misdemeanor na lumalabag sa karangalan o pagtitiwala, maliban kung sila ay na-rehabilitate
-Ang kaangkupang pangkalusugan nito para sa gawaing isasagawa sa pamamagitan nito ay dapat patunayan
-Ang mga aplikante na mamamahala sa isang sentro ay dapat magkaroon ng kinakailangang praktikal na karanasan; habang, ang naaangkop na mga kuwalipikasyon ay dapat makuha sa mga nais magturo o mamahala
-Mapapasa sila sa pagsusulit at personal na panayam
-Kukunin nila ang pag-apruba ng karampatang mga awtoridad na magtrabaho kung sakaling hindi sila pinag-isponsor ng sentro kung saan sila magtatrabaho.
Upang makapagtatag ng isang sentro o anumang sangay para sa layunin ng pagtuturo ng Quran, ang sumusunod na ga kondisyon ay dapat matugunan:
Pagkuha ng lisensiya alinsunod sa batas
Dapat matugunan ng gusali ang sumusunod na mga kinakailangan:
Pagtupad sa mga kinakailangan sa teknikal at kalusugan na tinukoy ng mga regulasyong tagapagpaganap ng batas na ito
Pagtatatag ng ganap na hiwalay na mga silid-aralan ng kasarian
Nagbibigay ng mga bulwagan at mga arena para sa pagsasanay ng mga aktibidad na tinukoy ng mga regulasyong tagapagpaganap ng batas na ito
Pagtupad sa mga kinakailangang kagamitan upang maisagawa ang lisensiyadong aktibidad, gaya ng tinukoy ng mga regulasyong tagapagpaganap ng batas na ito.