Inihayag ng Astan na ang lahat ng kinakailangang paghahanda ay ginawa upang ipagdiwang ang mapalad na okasyon.
Si Ahmed al-Qureishi, isang opisyal ng Astan, ay nagsabi na ang iba't ibang mga programa at mga aktibidad ay binalak na ayusin sa lokal, pambansa at pandaigdigan na mga antas upang ipagdiwang ang eid.
Kabilang dito ang iba't ibang pangkultura, panrelihiyon at panlipunang mga seremonya, sinabi niya.
Nabanggit niya na ang Astan ay magdaraos ng mga pagdiriwang sa Iraq gayundin sa 12 iba pang mga bansa.
Ayon kay Haidar Rahim, isa pang opisyal sa Astan, ang bandila ng Imam Ali (AS) banal na dambana ay itataas sa 40 mga lugar sa Iraq at iba pang mga bansa, kabilang ang sa 12 Uropiano na mga estado.
Sinabi niya na ang banal na dambana ni Imam Ali (AS) ay magpunong-abala ng iba't ibang mga programa kabilang ang mga sesyong Quraniko, panitikan na mga piyesta, pang-iskolar at sining na mga aktibidad sa linggong humahantong sa Eid al-Ghadir.
Mas maaga sa taong ito, idineklara ng parliyamento ng Iraq ang Eid al-Ghadir bilang isang pampublikong piyesta opisyal sa bansang Arabo.
Ang kaganapan ng Ghadir, o Eid al-Ghadir, na alin pumapatak sa Martes, Hunyo 25 sa taong ito, ay ipinagdiriwang ng mga Shia Muslim sa buong mundo taun-taon. Ito ay kabilang sa mahahalagang mga kapistahan at masasayang pista opisyal ng mga Shia Muslim na ginanap sa ika-18 araw ng Dhul Hijjah sa kalendaryong lunar na Hijri.
Ito ang araw kung saan ayon sa mga ulat, hinirang ng Banal na Propeta (SKNK) si Ali ibn Abi Talib (AS) bilang kanyang kalip at ang Imam pagkatapos ng kanyang sarili ayon sa utos ng Diyos.