IQNA

Pandaigdigang mga Larangan ng Pag-aalsa ni Imam Hussein

2:17 - July 12, 2024
News ID: 3007238
IQNA – Ang pag-aalsa ni Imam Hussein (AS) laban sa kawalang-katarungan at pagiging hindi lehitimo ni Yazid ibn Muawiyah ay naging halimbawa at modelo ng maraming mga kilusan at mga rebolusyon sa buong kasaysayan.

Si Imam Hussein (AS), kasama ang kanyang mga kasamahan, ay nakipaglaban at nagging bayani bilang pagtatanggol sa dignidad at karangalan ng tao sa paraang kung sino ang makaalam ng pangyayaring ito sa kasaysayan ay magpapatotoo na ang Imam (AS) at ang kanyang mga kasama ay inapi.

Maraming mga naghahanap ng kalayaan sa buong mundo sino nakipaglaban para sa kalayaan ng kanilang mga bansa at ang pagpapalaya ng kanilang mga tao mula sa pang-aapi at pagkabihag ay pinuri ang kilusan ni Imam Hussein (AS) at kinuha ito bilang isang modelo.

Ang isang sikat ay si Mahatma Gandhi, ang pampulitika at espirituwal na pinuno ng mga Hindu ng India sino namuno sa kanyang bansa sa landas tungo sa pagpapalaya mula sa kolonyalismo ng Britanya.  Sinabi niya: “Napag-aralan ko ang buhay ni Imam Hussain (AS), ang bayani ng Islam, nang mabuti at may sapat na pansin sa mga pahina ng Karbala, at malinaw sa akin na kung nais ng India na maging isang matagumpay na bansa, dapat sundin ang halimbawa ni Imam Hussein (AS).”

Higit pa rito, ang pag-aaral ng kuwento ng buhay ni Imam Hussein (AS) at ang kanyang makasaysayang kilusan ay nagbigay inspirasyon at gumising sa puso ng bawat palaisip sino nakilala ang pagkatao na ito. Si Edward Gibbon, ang may-akda ng aklat na "The History of the Decline and Fall of the Roman Empire" [Ang Kasaysayan ng Paghina at Pagbagsak ng Imperyong Romano], ay sumulat: "Sa susunod na mga siglo, ang pagsasalaysay at pagpapaliwanag sa malungkot at mapanglaw na tagpo ng kamatayan ni Imam Hussein ay magreresulta sa kamalayan at pagiging sensitibo ng mga puso at mga kaluluwa para sa buong sangkatauhan saanman sila naroroon.”

Ang dakilang Pakistani na palaisip, pilosopo at makata na si Muhammad Iqbal (Lahori) ay sumulat: Ang pinakamagandang aral na matututuhan ng isang tao mula sa pag-aalsa ni Hussein ibn Ali (AS) ay ang espirituwal na paghahanap ng kalayaan. Ang tunay na mga tagasunod ni Imam Hussein (AS) ay maaari lamang yaong mga unang naghahangad ng kalayaan at pagkatapos ay tumutulong sa iba na makamit ito pagkatapos nilang makamit ito.

Higit pa rito, ang kaganapan ng Karbala ay nakakaantig sa mga damdamin at nagpapaluha sa mata ng isang tao. Ang Tagakanluran at mananaliksik sa Islamikong mistisismo na si Propesor Edward Browne ay nagsabi tungkol sa dalisay na mga damdaming ito: Posible ba na mayroong anumang minorya sino nakakarinig ng kuwento ng Karbala ngunit hindi nababalisa at nalulungkot? Kahit na ang mga di-Muslim ay hindi maitatanggi ang espirituwal na kadalisayan kung saan ipinaglaban ang labanan na Islamiko.

Maraming mga bagay ang nasabi tungkol sa dakilang kilalang tao na ito ng kasaysayan ng Islam. Ngunit higit sa lahat, ang katotohanan na si Imam Hussein (AS) ay isang pagkatao na ang kuwento ng buhay, bago at sa panahon ng kanyang pag-aalsa, ay nagtuturo sa atin ng aral ng katatagan sa landas ng katotohanan.

 

3489055

Tags: Imam Hussein
captcha