IQNA

Mga Istasyong Quraniko na Pinaplano sa Iraq para sa Arbaeen

19:48 - August 14, 2024
News ID: 3007358
IQNA – Ang Sentro ng Dar-ol-Quran na kaanib sa Astan (pangangalaga) ng Banal na Dambana ng Imam Ali (AS) ay magsasagawa ng mga programang Quraniko para sa mga peregrino sa panahon ng martsa ng Arbaeen.

Ayon sa website ng Astan, 250 na mga istasyong Quraniko ang itatayo sa 12 na mga lalawigan ng bansang Arabo, kabilang ang Basra, Kirkuk, Baghdad at Diyala.

Ilulunsad ang mga ito sa pakikipagtulungan sa Samahan ng mga Aktibista sa Quran at sa suporta mula sa ibang mga organisasyon, mga institusyon at mga moske.

Nag-aalok sila ng iba't ibang mga programa at mga serbisyo ng Quran, kabilang ang pagwawasto ng pagbigkas ng Surah Al-Fatiha at iba pang maliliit na kabanata ng Banal na Aklat.

Maaari ding pagbutihin ng mga peregrino ang kanilang mga kasanayan sa pagbigkas ng Quran sa mga istasyon ng Quran, ayon sa mga opisyal ng Sentro ng Dar-Quran.

Ang mga programa ay naglalayong itaas ang antas ng kaalaman at kasanayan sa Quran ng mga peregrino at itaguyod ang kulturang Quraniko sa kanila.

Samantala, ang banal na dambana ni Imam Ali (AS) sa Najaf ay inihahanda upang magpunong-abala ng malaking bilang ng mga peregrino sa Arbaeen na bumibisita sa dambana bago umalis patungong Karbala.

Ang Arbaeen ay isang panrelihiyong kaganapan na sinusunod ng Shia na mga Muslim sa ikaapatnapung araw pagkatapos ng Araw ng Ashura.

Ito ay ginugunita ang ika-40 araw ng pagiging bayani ni Hussein ibn Ali (AS), ang apo ni Propeta Muhammad (SKNK) at ang ikatlong Shia Imam, sino pinatay ng hukbo ni Yazid I sa Labanan sa Karbala noong 680 CE.

Ang Arbaeen ay kilala rin bilang Ziyarat ng Arbaeen, na alin nangangahulugang pagbisita sa dambana ni Imam Hussein (AS) sa Karbala, Iraq, kung saan inilibing ang kanyang katawan. Ang Ziyarat ay isang gawain ng paglalakbay at debosyon sa Shia Islam.

Ang Arbaeen ay isa sa pinakamalaking taunang mga paglalakbay sa mundo, na may milyun-milyong Shia na mga Muslim mula sa iba't ibang mga bansa na naglalakad patungong Karbala mula sa iba't ibang mga lungsod sa Iraq at mga kalapit na mga bansa. Ang distansya ay maaaring mula sa 80 km hanggang 500 km o higit pa, depende sa panimulang punto.

Ang Arbaeen ngayong taon ay babagsak sa Agosto 25.

Quranic Stations Planned in Iraq for Arbaeen

3489466

captcha