Umalis sila sa Iran patungong Iraq noong Huwebes at binisita ang banal na dambana ni Imam Ali (AS) sa Najaf bago umalis patungong Kut.
Doon, ginanap nila ang unang sesyong Quraniko ng Arbaeen ngayong taon sa pakikipagtulungan sa Samahan ng Quranikong mga Ugnayan ng Iraq at sa opisina nito sa Kut.
Ang mga miyembro ng kumboy, sina Mehdi Adeli at Seyed Mohammad Kermani, ay bumigkas ng mga talata mula sa Banal na Quran sa panahon ng programa, na alin nai-brodkas sa ilang mga tsanel sa telebisyon sa Iraq.
Ayon kay Seyed Mohammad Moojani, pinuno ng Iraniano na Komiteng Quraniko ng Punong-tanggapan ng Arbaeen, ang ikalawang grupo ng mga miyembro ng kumboy na Quraniko ay umalis sa Tehran patungong Najaf noong Biyernes.
Kasama sa Kumboy na Quraniko ng Arbaeen ang 98 na mga Iraniano at 34 na dayuhang mga mamamayan mula sa 14 na mga bansa, katulad ng Afghanistan, Tajikistan, Nigeria, India, at Pakistan.
Ang mga aktibidad ng kumboy ay tatakbo sa loob ng 12 mga araw, sinabi ni Moojani kanina.
Ang lalaki at babae na mga qari gayundin ang mga miyembro ng grupo ng Tawasheeh ay magsasagawa ng iba't ibang mga programa sa iba't ibang mga landas patungo sa Kabala sa panahon ng Arbaeen, sabi niya.
Ang mga programa ay magtatapos sa isang sesyong Quraniko sa Karbala sa bisperas ng Arbaeen, idinagdag niya.
"Dahil sa kamakailang mga insidente sa Palestine at Gaza, ang mga programang Quraniko ngayong taon ay nakatutok sa isyu ng Palestino at paggunita sa mga bayani sa Gaza, lalo na kay Bayaning Ismail Haniyeh," dagdag niya.
Ang seremonya ng pagluluksa ng Arbaeen ay isa sa pinakamalaking pagtitipon na panrelihiyon sa mundo.
Ito ay minarkahan ang ika-40 araw pagkatapos ng Ashura, ang anibersaryo ng pagiging bayani ng apo ni Propeta Mohammad (SKNK), si Imam Hussein (AS). Ang Arbaeen ngayong taon ay babagsak sa Agosto 25.
Bawat taon, isang malaking pulutong ng mga Shia ang dumadagsa sa Karbala, kung saan matatagpuan ang banal na dambana ni Imam Hussein (AS), upang magsagawa ng mga ritwal ng pagluluksa.
Ang mga peregrino, pangunahin mula sa Iraq at Iran, ay naglalakbay ng mahabang mga ruta sa paglalakad patungo sa banal na lungsod.
Ang mga miyembro ng Noor Kumboy ng Iran ay nagsasagawa ng iba't ibang mga programa sa Quran at panrelihiyon, kabilang ang pagbigkas ng Quran, Adhan (tawag sa mga pagdasal), at Tawasheeh sa kalsada sa pagitan ng Najaf at Karbala sa panahon ng martsa ng Arbaeen.