IQNA

Ang Moske ng Imam Hussein sa Cairo ay Nagpunong-abala ng Programang Quraniko

19:38 - August 28, 2024
News ID: 3007417
IQNA – Isang sesyong Quraniko at programa ng pagbigkas ng Ibtihal ang ginanap sa Moske ng Imam Hussein (AS) sa Cairo, ang kabisera ng Ehipto.

Ilang bilang ng matatandang mga qari, kabilang sina Ahmed Ahmed Nuaina, Mahmoud al-Khisht, Abdul Fattah al-Taruti, Yasir al-Sharqawi, Taha al-Numani, Ahmed Tamim al-Maraqi, at Mahir al-Farmawi ang bumigkas ng mga talata mula sa Banal na Aklat doon sa sesyong Quraniko.

Ang Ministro ng Awqaf na si Osama El-Azhari at ang mga kalahok sa ika-35 na edisyon ng isang pandaigdigan na kumperensya na pinamagatang "Tungkulin ng Babae sa Paglikha ng Kamalayan" ay dumalo sa Quranikong kaganapan, iniulat ng website ng Ad-Dustur.

Ang Quran at programang pagbigkas ng Ibtihal ay dati nang ginanap sa lugar ng kumperensiya sa nakaraang edisyon, ngunit, ayon sa ministro ng Awqaf, napagpasyahan na ayusin doon sa moske upang makinabang ang mga panauhin sa espirituwal na kapaligiran nito.

Ang pandaigdigan na kumperensiya ay umakit ng isang malaking bilang ng mga iskolar mula sa Ehipto at iba pang mga bansa sa mundo ng Muslim, sinabi ni El-Azhari.

Sa pagtukoy sa tema ng kumperensiya, itinampok ng ministro ang papel ng kababaihan sa pagpapataas ng kamalayan sa lipunan at sinabing ang mga kababaihan, kabilang ang Ahl-ul-Bayt (AS) ng Banal na Propeta (SKNK) ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng Islam.

 

3489655

captcha