IQNA

IKa-8 na Pandaigdigan na Kumperensiya ng Paglalakbay ng Arbaeen na Ginanap sa Karbala

12:17 - August 31, 2024
News ID: 3007423
IQNA – Ang ikawalong Pandaigdigan na Kumperensiya ng Paglalakbay ng Arbaeen ay ginanap sa Karbala kasama ang mga iskolar mula sa 35 na mga bansa na nag-aalok ng kanilang mga pananaw tungkol sa milyon na katao na kaganapan.

Inorganisa ng Sentro ng Karbala para sa Pag -aaral at Pananaliksik, ang kumperensiya ay dinaluhan ng mga relihiyoso at mga kilalang opisyal, mga iskolar, iba't ibang mga miyembro ng komunidad, at mga mananaliksik mula sa buong mundo, ayon sa Sentro ng Inpormasyo ng Banal na Dambana ng Imam Hussein AS).

Si Abdulamir Aziz Al-Quraishi, pinuno ng Sentro ng Karbala para sa Pag-aaral, ay nagsalita sa iba't ibang mga aspeto ng kaganapan sa Ashura sa panahon ng kumperensiya na ginanap sa Bulwagan ng Khatam Al-Anbiya sa Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS).

Sinabi niya na ang kilusang Karbala ay hindi lamang isang rebolusyon laban sa kawalan ng katarungan kundi isang "malalim na kilusang pang-edukasyon" na may makabuluhang mga pagpapahalagang pang-edukasyon, moral, at etikal na itinatag ni Imam Hussein (AS) sa pamamagitan ng kanyang mga sakripisyo at katatagan.

Inilarawan ni Al-Quraishi ang pag-aalsa ni Imam Hussein (AS) bilang "walang kapantay," na nagpapaliwanag na lumikha ito ng bagong kasaysayan sa mga Muslim. "Sa unang pagkakataon, ang isang pag-aalsa ay pinasimulan hindi para sa kapangyarihan o kayamanan kundi para sa dignidad, karangalan, at pagtatanggol ng lipunan."

Ang kilusan ni Imam Hussein (AS) ay naglalaman ng pinakamataas na mga halaga ng tao, na lumalampas sa mga personal na interes at despotikong motibo, at itinatag upang ipagtanggol ang mga prinsipyo at hustisya ng tao, sabi niya, at idinagdag na ang kilusan ay nananatiling isang kilalang halimbawa ng pakikibaka para sa dignidad ng tao.

Binigyang-diin ni Hassan Rashid Al-Abayji, Panglahatan na Kalihim ng Banal na Dambana ng Imam Hussein (AS), na ang isyu ng Palestine ay karugtong ng pag-aalsa ni Imam Hussein (AS), na binibigyang-diin ang kahalagahan ng paninindigan para sa katarungan at pagsuporta sa mga inaapi.

Idinagdag niya na ang kilusan ni Imam Hussein (AS) ay naging walang hanggan dahil ito ay nanindigan laban sa kasinungalingan at tumanggi sa kahihiyan at pagsuko.

"Ang dugo ay nagtagumpay laban sa espada," sabi niya, at idinagdag, "Ang kilusan ng Imam ay tiniyak ang kaligtasan ng Islam."

Binigyang-diin niya na ang paglalakbay sa Arbaeen ay sumasalamin sa ilan sa malungkot na mga larawan ng pang-aapi at kawalan ng katarungan na kinakaharap ng pamilya ni Propeta Muhammad (SKNK).

Ang ikawalong Pandaigdigan na Kumperensiya ng Paglalakbay ng Arbaeen, na may temang "Paglalakbay ng Arbaeen: Patungo sa Pandaigdigang mga Pamamaraan sa Sangkatauhan at Sibilisasyon," ay nagtapos noong Huwebes, Agosto 29.

8th Int'l Arbaeen Pilgrimage Conference Held in Karbala

Itinampok sa dalawang araw na kaganapan ang mga presentasyon at mga talumpati ng mga iskolar mula sa 36 na mga bansa, kabilang ang Iraq, India, Malaysia, Italy, Netherlands, Kosovo, Ireland, Bahrain, Tunisia, Alemanya, Belgium, Hapon, Lebanon, at Iran.

Isang kabuuan ng 148 na mga papeles sa pananaliksik ang isinumite sa kalihiman ng kumperensiya, kung saan 100 ang tinanggap pagkatapos ng siyentipikong pagsusuri.

 

3489701

captcha