IQNA

Ang Mekka na Ekspo ay Nagbigay Liwanag sa Kasaysayan ng Kaaba

16:39 - March 11, 2025
News ID: 3008161
IQNA – Ang Dakilang Moske sa banal na lungsod ng Mekka ay nagpunong-abala ng isang eksibisyon sa kasaysayan ng Kaaba.

Iniharap sa 10 mga wika, ang eksibit ng "Unang Bahay" ay nagbibigay liwanag sa kasaysayan ng pagtatayo ng Kaaba sa iba't ibang mga panahon, simula sa panahon ni Propeta Abraham (AS) hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga Muslim sa buong mundo ay nakaharap sa Kaaba kapag sila ay nagdarasal.

Ang eksibit sa pagpapalawak ng Dakilang Moske ay nag-aalok sa mga bisita at mga peregrino ng isang natatanging pagkakataon upang muling subaybayan ang mga yugto ng gusali ng Banal na Kaaba sa pamamagitan ng biswal na mga pagpakita, grapika, mga artepakto at interaktibo na mga iskrin.

Inorganisa ng Pangkalahatang Awtoridad para sa Pangangalaga sa Dalawang Banal na Moske sa panahon ng Ramadan, ang kaganapan ay bahagi ng mga pagsisikap na ipakilala sa mga Muslim ang kasaysayan ng Dakilang Moske at ang mga palatandaan nito, gamit ang mga interaktibo na teknolohiya.

Ang pangunahing mga tema ng eksibisyon ay nakatuon sa pagtatayo ng Banal na Kaaba, ang mga pagbabagong pinagdaanan nito sa kasaysayan, ang mga kasangkapang ginamit sa pagpapanatili at paglalaba nito, at ang mga yugto ng paggawa ng takip ng tela nito.

Tradisyunal na minarkahan ng Ramadan ang tuktok ng panahon ng Umrah o minor paglalakbay sa Dakilang Moske sa gitna ng mas mataas na paghahanda ng mga awtoridad upang makayanan ang pagdagsa ng mga mananamba.

Ang kasalukuyang panahon ng Umrah, na alin maaaring isagawa sa buong taon, ay nagsimula noong huling bahagi ng Hunyo pagkatapos ng pagtatapos ng taunang paglalakbay ng Hajj.

 

3492251

captcha