Ayon sa Saudi Press Agency (SPA), ang Pangkalahatang Awtoridad para sa Pangangalaga ng mga Gawain ng Dakilang Moske at Moske ng Propeta ay nagpatupad ng 12 mga espesyal na serbisyo sa lugar upang suportahan ang mga kalahok sa buong panahon ng Itikaf.
Sa panahong ito, itinalaga ng mga tagamasid ang kanilang sarili sa mga aktibidad sa pagsamba, kabilang ang pagdarasal, pagbigkas ng Quran, at pagsusumamo, na nagpapatuloy hanggang sa katapusan ng Ramadan.
Ang mga serbisyong inaalok ay sumasaklaw sa pagbibigay ng pang-araw-araw na pagkain, tubig, at isang espirituwal na suportang kapaligiran. Bukod pa rito, ang mga serbisyong personal at nauugnay sa kalusugan ay magagamit upang matiyak ang kagalingan ng mga nagmamasid.
Kasama sa karagdagang suporta ang pagsasaling-wika sa iba't ibang mga wika, mga iskren na nagbibigay-impormasyon na nagpapaliwanag sa mga alituntunin ng Itikaf, mga pasilidad sa pag-iimbak ng bagahe, mga medikal at mga klinikang pangunang lunas, mga panustos sa pagtulog at ginhawa, mga serbisyo sa paglalaba, mga istasyon ng pagsingil sa mobayl, at mga personal na kasangkapan sa pangangalaga.
Upang mapadali ang organisadong paggamit, ang bawat tagamasid ay tumatanggap ng isang pulseras, na nagpapasimple sa pagpasok at paglabas mula sa kanilang nakatalagang mga seksyon.
Ang awtoridad ay nagbalangkas ng ilang mga alituntunin na dapat sundin ng mga nagmamasid, kabilang ang pag-aalay ng kanilang oras sa pagsamba, pagpapanatiling kalmado sa panahon ng pagdarasal, pagsusuot ng malinis na kasuotan, at paggamit ng magagandang mga pabango. Ang mga kalahok ay inaasahang iwasang magdulot ng mga abala at tiyakin na ang moske ay nananatiling malinis at maayos.
Ang mga tagamasid ng Itikaf ay inaatasan din na itabi ang kanilang mga gamit sa itinalagang mga laker, manatili sa loob ng kanilang mga nakatalagang lugar ayon sa kanilang bilang ng pagpaparehistro, at sumunod sa mga regulasyon sa kalusugan at kaligtasan habang gumagamit ng mga itinalagang daanan.
Bukod pa rito, ipinagbawal ng awtoridad ang mga aktibidad katulad ng pagdadala ng hindi awtorisadong pagkain, inumin, o bagahe, pagsasagawa ng mga sesyon ng pag-aaral, pagtanggap ng mga bisita, o pagdadala ng mga bata sa mga lugar ng Itikaf.