Ang pahayagan na Ahdath al-Arab na nakipag-ugnayan sa isang sanggunian na malapit kay Uthman Taha, na idiniin na ang mga tsismis tungkol sa pagkamatay ng kaligrapiyo ng Quran ay hindi totoo.
Si Reza Abdulsalam, isang dating presidente ng Himpilan ng Quran, ay sumulat sa isang post sa Facebook na "Si Dr. Uthman Taha, ang kaligrapiyo ng Quran, ay nasa mabuting kalusugan. Nakipag-ugnayan lang ako sa tahanan ni Dr. Uthman Taha sa Medina, at ipinaalam sa akin ng kanyang iginagalang na asawa na ang balita ng kanyang pagkamatay ay hindi totoo. Siya ay ganap na malusog at isinasagawa ang kanyang trabaho sa pinakamahusay na posibleng paraan.
"Sinabi ng kanyang asawa na nagpapasalamat siya sa lahat na nag-aalala tungkol sa bagay na ito at nais na tiyakin ng mga tao ang naturang balita bago ito ikalat."
Ang dating pinuno ng Himpilang ng Quran ay nagtapos sa kanyang mga pahayag sa pamamagitan ng pagdarasal para sa mahabang buhay at kalusugan ng kaligrapiyo ng Quran, na naglalarawan sa kanya bilang isang "dakilang iskolar".
Si Taha ay itinuturing na isa sa pinaka-bihasang mga kaligrapiyo sa mundo ng Arabo. Ipinanganak noong 1934 sa Aleppo, Syria, natuto si Taha ng kaligrapiya kasama ang mga dakilang dalubhasa ng Syriano at Turko.
Ang kanyang ama ay isa ring bihasang kaligrapiyo, sino gumamit ng Ruq’ah iskrip, at si Taha ay nag-aral sa ilan sa pinakamahuhusay na kaligrapiyo ng Syria.
Nang lumipat siya sa Damascus para sa unibersidad, nagsimulang matuto si Taha ng iba pang mga iskrip, kabilang ang Thuluth, Naskh (kung saan siya ngayon ay itinuturing na dalubhasa), at Persiano. Natanggap niya ang kanyang sertipiko ng kaligrapiya mula sa dalubhasang kaligrapiya na si Hamed Al-Amadi noong 1973.
Nakaligrap niya ang kanyang unang kopya ng Quran noong 1970 para sa Kagawaran ng Awqaf ng Syria.
Si Taha ay nanirahan sa Saudi Arabia mula noong 1988. Siya ang opisyal na kaligrapiyo ng Quran sa King Fahd Complex para sa Paglimbag ng Banal na Quran sa Medina.
Sinabi ng kanyang asawa na patuloy siyang nagsasanay ng kaligrapya araw-araw.
Naisulat ni Taha ang Quran ng 12 beses sa King Fahd Complex.
Isinulat niya ang Quran sa iskrip ng Ottoman, at ang mga kopya ng kanyang gawa ay ipinamahagi sa buong mundo ng Islam.
Ang kakaiba sa gawa ni Taha ay ang bawat pahina ng Quran na kanyang isinusulat ay nagtatapos sa dulo ng isang talata. Ang lihim, paliwanag niya, ay gawing simple ang mga salita — na siyang pinagmulan ng Kupiko iskrip kung saan isinulat ang Quran mula pa noong panahon ng mga kasamahan ni Propeta Muhammad (SKNK) — pinapanatili ang mga titik na malapit sa isa't isa.
Ilang mga taon ang ginugol ni Taha sa pagperpekto sa kanyang pamamaraan ng pantay na pamamahagi ng mga salita sa bawat linya upang ang espasyo sa pagitan ng mga titik ay pare-pareho sa bawat pahina ng bawat aklat, na nangangahulugan ng pag-aalis ng marami sa mga kumbinasyon ng iskrip na nagpapahirap sa gayong pagkakapare-pareho.